Paglilipat kay Veloso mula Indo papuntang Pinas, pinaplantsa pa ng DFA, DoJ
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
PINAPLANTSA pa rin hanggang ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at gobyerno ng Indonesia ang mga kondisyon sa paglilipat kay Mary Jane Veloso na may ilang taon na ring nakakulong at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng 2.6 kilograms ng heroin sa naturang bansa noong 2010.
Sa Joint Statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DoJ), kapuwa sinabi nito na “we are bound to honor the conditions that would be set for the transfer, particularly the service of sentence by Mary Jane in the Philippines, save the death penalty which is prohibited under our laws.”
“The conditions for the transfer of Ms. Mary Jane Veloso are still being discussed with Indonesia,” ang nakasaad pa rin sa nasabing joint statement.
Nauna rito, binigyang-kredito naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes, ang matatag at malalim ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa pagsagip sa buhay ni Veloso.
Sa katunayan, Isiniwalat ni Pangulong Marcos na mismong ang Indonesia ang nagpalit ng sentensiya ni Veloso kung saan mula sa death sentence ay ginawa itong life imprisonment.
Sa isang panayam sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagpapalit o pagbabago ng sentensiya mula sa death sentence na ginawang life imprisonment ay inisyal na layunin ng kanyang administrasyon.
“Since I came into office, what we were trying to… what we were working on it was tanggalin na siya sa death row, to commute her sentence to life [imprisonment],” ang sinabi ng Pangulo sa isang panayam.
“Noong nangyari ‘yun, when we were able to achieve that, we continued to work with them. It was still with the Widodo government at that time,” dagdag na wika ng pangulo, tinukoy si dating Indonesian President Joko Widodo.
Tinuran pa ng Pangulo na ang yumayabong na relasyon sa pagitan ng Maynila at Jakarta ay bitbit pa rin ng pumalit kay Widodo na si President Prabowo Subianto, na noon ay naging daan para sa pang huling desisyon para aprubahan ang paglilipat kay Veloso.
“Dahil maganda naman ang ating relasyon, nakahanap sila – gumawa sila ng paraan, this is the first time they did this,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Kung siya ang masusunod, patitigilan nang magbarko:: KOKOY, makabagbag-damdamin ang kuwento sa ama na seafarer
MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang kuwento ni Kokoy de Santos tungkol sa ama niya na isang Pinoy seafarer na na-hostage noon sa Somalia habang nasa barko. Ang masaklap pa nito, may sakit sa puso ang ina ni Kokoy. Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay ibinahagi ito ng Sparkle male artist. […]
-
Tadtad na naman ng diamonds tulad nang nauna: REGINE, ‘di napigilang ipagmalaki ang pa-birthday na singsing ni SHARON
KITANG-KITA nga ang kaligayahan ni Megastar Sharon Cuneta na muli niyang nakasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa naganap na presscon para sa pagbabalik ng Iconic concert. Sa IG post ni Mega, “After 3 long years I finally got to see and spend time with my beloved Nana (Regine) yesterday during the presscon […]
-
PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete
LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete. Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo […]