• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung siya ang masusunod, patitigilan nang magbarko:: KOKOY, makabagbag-damdamin ang kuwento sa ama na seafarer

MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang kuwento ni Kokoy de Santos tungkol sa ama niya na isang Pinoy seafarer na na-hostage noon sa Somalia habang nasa barko.

 

 

Ang masaklap pa nito, may sakit sa puso ang ina ni Kokoy.

 

 

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay ibinahagi ito ng Sparkle male artist.

 

 

“‘Yung communication namin noong time na yun e-mail lang, wala pang chat-chat.

 

 

“Dalawang linggo na walang paramdam si erpats. Yung ermats ko, since maysakit sa puso, nagpa-panic panic na tapos napupuyat,” umpisang kuwento ni Kokoy.

 

 

Dahil mahirap lamang sila noon at walang pang computer at internet sa bahay, kinailangan nina Kokoy at ng kanyang kapatid na palaging pumunta sa computer shop para mag-check ng mga e-mail; wala silang natatanggap na mensahe mula sa kanyang ama.

 

 

“Nalaman ng ate ko sa isang group… hindi ko alam kung may Facebook na noon pero wala pang chat noon, na na-hijack yung barko na sinasakyan ng erpats ko,” pagpapatuloy na kuwento ni Kokoy.

 

 

“Pero noong nalaman na yun, wala pa rin kaming communication. As in ilang linggo.”

 

 

Ano ang naglalaro noon sa isipan ng kaniyang pamilya?

 

 

“Kami hoping pero, ano ang gagawin namin, pati yung kumpanya niya ayaw makipag-cooperate sa amin. Wala rin daw silang masagap na impormasyon sa barko.”

 

 

Sa kabutihang-palad, nalaman din nina Kokoy na buhay ang kanilang ama.

 

 

“Sobrang nabunutan ng sandamakmak na tinik sa dibdib, lalo na yung ermats ko.

 

 

“Bukod kasi sa iniisip namin yung erpats namin, siyempre iniisip din namin yung ermats, baka mamaya anong mangyari sa kanya, atakehin na lang bigla.”

 

 

Hindi pa rin daw nawawala sa isip ni Kokoy ang pangamba para sa kanyang ama, na hanggang ngayon ay patuloy sa pagtatrabaho bilang isang seafarer.

 

 

“Mag-i-stay siya rito, ang pinakamatagal limang buwan, anim na buwan, tapos aalis siya isang taon, parang laging ganu’n.

 

 

“Parang kahit laging routine siya hindi maiiwasan na… lalo ngayon ilang taon na ako,” sabi niya.

 

 

Kung si Kokoy raw ang masusunod, ayaw na niyang magbarko ang kaniyang ama, at lagi niyang hinihiling na huwag na itong umalis.

 

 

“Ayaw ko na. Kasi yung ermats ko tumatanda na rin e.

 

 

“Mas matagal na hindi niya kasama yung erpats ko.”

 

 

Kaya naman todo sa pagsusumikap si Kokoy na maitaguyod ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pag-aartista.

 

 

Kasama si Kokoy sa regular cast ng “The Write One.”

 

 

***

 

 

SPEAKING of “The Write One”, kasama rin sa naturang GMA/VIU series ang aktres na si Lotlot de Leon.

 

 

At hindi lamang sa telebisyon visible si Lotlot, maging sa pelikula ay abala ang aktres.

 

 

Sa katunayan, kasama siya sa “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” kung saan ang papel niya ay isang tagahanga ng music icon na si Rey Valera.

 

 

Base kasi sa buhay at musika ni Rey ang movie na entry ng Saranggola Productions sa first-ever Summer Metro Manila Film Festival na tatakbo mula April 8 hanggang April 18.

 

 

Sa naturang pelikula rin ay may cameo appearance ang mister ni Lotlot sa tunay na buhay, ang Lebanese businessman na si Fadi El-soury kung saan gumanap ito bilang asawa ng karakter na ginampanan ni Lotlot.

 

 

Hindi si Fadi ang orihinal na naka-cast sa naturang role, may foreigner na kinuha bilang talent ang team ni Edith Fider ng Saranggola Productions para gumanap bilang mister ng karakter ni Lotlot.

 

 

Pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi naging available sa last minute ang kinuhang talent.

 

 

Tiyempo naman na sinamahan ni Fadi si Lotlot sa shooting ng pelikula, at noong makita siya ng production staff ay siya ang kinuha bilang kapalit.

 

 

Pasok naman sa banga dahil napaka-natural ng eksena nilang dalawa dahil mag-asawa nga sila sa tunay na buhay.

 

 

Bida sa “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” si RK Bagatsing, with Rosanna Roces, Aljur Abrenica, Gardo Versoza, Meg Imperial, Dennis Padilla, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Ronnie Lazaro, Ara Mina, Arlene Muhlach, Epy Quizon, Ricky Rivero, Mike ‘Pekto’ Nacua, Eric Nicolas at Christopher de Leon.

 

 

Sa direksyon ni Joven Tan, highly recommended namin ang pelikula kung saan introducing ang Bubble Gum Pop Princess na si Shira Tweg (bilang Sharon Cuneta).

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Speaker Romualdez inaming humingi ng tulong sa kanya ang nagtutulak ng PI

    HUMINGI ng tulong kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga nagsusulong ng people’s initiative (PI) upang maamyendahan ang Konstitusyon.     Ayon kay Speaker Romualdez nilapitan siya ni Noel Oñate upang makausap, at pinagbigyan niya ito bilang bahagi ng diwa ng bukas na dayalogo at pag-unawa sa mga aksyong sibiko na itinataguyod ng mga mamamayan. […]

  • CANADA, umaasa ng suporta ng Pinas sa free trade negotiations nito sa ASEAN

    NANAWAGAN ang Canada sa Pilipinas na suportahan ang free trade negotiations nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy  ang kahalagahan ng  ASEAN Centrality.     “Regarding trade, we are negotiating for a free trade agreement with ASEAN. So we hope that we could have the support of the Philippines. And we are negotiating […]

  • DINGDONG at MARIAN, nagpakilig na naman sa viral Sunday kulitan; may nagwi-wish ng Baby #3

    MARAMI na naman ang kinilig sa pinost ni Dingdong Dantes sa nakaka-good vibes na Sunday bonding moment nila ni Marian Rivera.     Na-capture nga ang sobrang saya ni Marian, habang nakatitig naman si Dingdong, may caption ito ng, “Sunday kulitan in her new office. Naaaks…new office daw o!!        “Sometimes all we have […]