DOH naalarma sa pagtaas ng childhood pregnancy
- Published on November 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa pagtaas ng bilang ng childhood pregnancy sa bansa.
Ayon kay Herbosa, nakapagtala ang bansa ng ‘very high incidence’ ng childhood pregnancy, o pagkabuntis ng mga batang wala pang 15-taong gulang.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, 59 kabataan na nasa 15-taong gulang pababa ang nabuntis, kada 100,000 populasyon.
Sa kasagsagan naman ng pandemic noong 2020, nasa 39.39 bata kada 100,000 populasyon ang nabuntis. Tumaas ito sa 44.06 noong 2021 at 59.34 noong 2022.
Sinabi ng kalihim na malaki ang kinakaharap na problema ng bansa sa teenage pregnancy.
Babala pa niya, isa ito sa nagko-contribute sa maternal mortality dahil karaniwan nang hindi sila nagpapa-prenatal.
High-risk din aniya ang mga kabataan na magka-eclampsia at hemorrhage sa kanilang panganganak.
Umaasa naman si Herbosa na makokontrol ito upang mabawasan ang maternal mortality.
-
‘Easter ceasefire’ sa Ukraine panawagan ni Pope Francis
NANAWAGAN si Pope Francis ngayong Linggo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.” “Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to […]
-
FDA nagbabala sa ilang brand ng lipstick
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga kababaihan na gumagamit ng mga pampaganda ng mukha na hindi rehistrado tulad ng lipstick. Ito’y matapos matuklasan ng FDA na may ilang brand ng lipstick sa merkado ang hindi dumaan sa tamang proseso at posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa ipinalabas na report […]
-
Stick to the rule of law, iwasan ang karahasan sa Eleksyon 2022
NANANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatili lamang sa “rule of law” at iwasan ang karahasan sa 2022 national elections. Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte, matapos niyang pangunahan ang pagpapasinaya sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town, ay sinabi nito na nais niya ang mapayapang eleksyon sa susunod na […]