PBBM sa Japan: Wala akong alam na anumang seryosong pagtutol sa RAA military deal
- Published on November 23, 2024
- by @peoplesbalita
WALANG alam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may “any serious objections” sa ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas sa Japan.
Nilapitan at binanggit kasi ni Matsuda Kenichi, charges d’affaires of the Embassy of Japan ang ‘pending agreements’ sa sidelines ng isang pagpupulong kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Palasyo ng Malakanyang.
“I don’t know [of] any serious objections,” ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. kay Matsuda.
Sa ulat, isang National democratic activist organization gaya ng Bagong Alyansang Makabayan ang hayagang tumututol sa naturang kasunduan. Sa katunayan, sinabi nito noong November 2023 na ang ilagay o puwesto ang Japanese troops at equipment nito sa Pilipinas para kontrahin ang Tsina “might actually do the opposite-justify even more military actions from China.”
Isinatinig din ng Makabayan bloc sa Kongreso ang pagsalungat sa kasunduan, sabay sabing “endangers our population [in exchange for] scraps of their military hardware.”
Subalit ang ratipikasyon ng mga tratado ay nangangailangan ng pagsang-ayon mula sa Senado at hindi lamang ng Kongreso, kung saan suportado ng mayorya si Pangulong Marcos.
“It’s just that when the budget is in deliberation, everything has to stop because otherwise, we will be [in] 2025 with no budget. It will be very difficult if that happens,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Matsuda.
“They will prioritize the budget and then take up all the other business afterwards,” dagdag na wika nito.
“The Philippines has been ramping up its engagements with security partners, including Japan, in the face of tension with China over the West Philippine Sea,” ayon sa ulat.
Maliban sa RAA, tinatrabaho na rin ng Maynila ang defense agreements kasama ang Paris at Berlin.
Matatandaang, Hulyo ng taong kasalukuyan ay pormal nang nilagdaan nina Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro at ni Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa ang RAA.
Ginanap sa loob ng Palasyo ng Malacañang ang paglagda sa RAA na sinaksihan mismo ni Pangulong Marcos, kasama si Department of Foreign Affairs Secretary Ernesto Manalo at Japan Defense Minister Kihara Minoru.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, pahihintulutan na ang pag deploy ng Japanese forces para sa joint military exercises, at ang palitan ng drills.
Nabuo ang RAA sa inaugural ng Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong April 2022, sa Tokyo Japan. (Daris Jose)
-
BELA, ipinakilala na rin ang boyfriend na si NORMAN BEN BAY
SA wakas ay umamin na rin si Bela Padilla na may boy- friend na siya kasabay ng pagpapakilala niya kay Norman Ben Bay sa kanyang Instagram na may caption na “The one I met in St. Gallen.” Matatandaan na may ganitong pelikula si Bela na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino for Viva Films, ang […]
-
Kung bakit hindi nagsuot ng ‘pink shirt’… ANGEL, ayaw mahaluan ng pulitika ang pagbibigay niya ng relief goods
IPINALIWANG ng aktres at kilala ring philanthropist na si Angel Locsin, kung bakit hindi niya sa nagsusuot ng ‘pink shirt’ habang nagdi-distribute ng relief goods sa typhoon victims. Alam naman ng lahat na very vocal na supporter si Angel sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo. May isa kasing follower […]
-
Bagsak presyo ng bigas, mararamdaman sa Enero
TINAYA ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sa Enero ng susunod na taon pa mararamdman ng taumbayan ang bagsak presyo ng bigas sa bansa. Ito ayon kay Laurel ay kahit na nagdesisyon ang pamahalaan na bawasan ang taripa sa importasyon ng bigas simula sa susunod na buwan ng Oktubre. […]