• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China atras sa Int’l sports

Pansamantalang hindi muna lalahok ang China sa mga international competition at sports sa natitirang buwan ng 2020.

 

Ayon sa China, tigil muna rin umano ang ginagawa nilang pagsasanay para sa paglahok sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou.

 

Naapektuhan umano ng nasabing kautusan mula sa General Administration of Sports ang anim na WTA tennis events kabilang na ang WTA Finals sa Shenzehn na gagawin sa Nobyembre.

 

Bukod pa rito, apektado rin ang malaking golf events na gaganapin sa Shanghai na men’s HSBC Champion at LPGA Shanghai.

 

Kasama ring tinamaan ng kautusan ang paghohost ng China sa Asian sports climbing championship sa Oktubre at ang badminton World Tour Finals sa Guangzhou sa Disyembre.

 

Ayon sa China, nais nitong tuluyan nang matigil na ang pagkalat ng virus matapos na tuluyan nang mapahinto ang local transmission.

Other News
  • Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”

    MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa  “new normal” ngayong Oktubre.   Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.   Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre  “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Posible kasing bawiin ang virus restrictions […]

  • Ads November 17, 2021

  • Sa kabila ng nangyaring hiwalayan: SUNSHINE, nagpakatotoo sa pagsasabing mahal pa rin niya ang asawa

    NAGPAKATOTOO lamang si Sunshine Dizon sa pagsasabing mahal pa rin niya ang mister niyang si Timothy Tan sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila.   Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinagot ni Sunshine ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Timothy, at kung mahal pa niya ito.   “To be […]