• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, may bagong ‘Lab for All’ medical van

ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang blessing at ceremonial turnover ng bagong ‘Lab for All’ medical van, sa pangakong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Malabueño,

 

 

Ang pagpapasinaya ng Lab for All medical van ay pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama sina William Vincent “Vinny” Marcos, anak ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,, City Administrator Alex Rosete, Newport World Resorts Foundation Executive Director and Trustee Atty. Walter Mactal at Ospital ng Malabon Chief Dr. Jennifer Amolo.

 

Ang Lab for All na pangunahing programa ng Unang Ginang ay ibinahagi sa Malabon sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan sa bawa’t komunidad, lalo na ang mga maralita, sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal, laboratory, konsultasyon at mga gamot para sa lahat ng nangangailangan.

 

Ang 22-talampakang medical van kinapapalooban ng iba’t-ibang gamit pang-medikal kabilang ang Hematology analyzer para sa kumpletong blood count ng CBC, Chemistry analyzer o blood chemistry test, x-ray, ultrasound at electrocardiogram (ECG) machines.

 

Sinabi ni Mayor Jeannie na karagdagang tulong sa kanilang programang pangkalusugan at kagalingan ang medical van lalu’t mga de-kalidad ng serbisyo ang ibabahagi nito sa Malabueños.

 

“Ang LAB for All Medical van ay malaking tulong para sa mga Malabueño dahil nailalapit nito ang mga serbisyong medikal sa lahat, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Sa susunod ay makikita niyo na ang van na ito na umiikot sa ating lungsod upang makatulong sa inyo. Makakaasa kayo na mas marami pang serbisyong pangkalusugan ang ating gagawin upang masigurong malusog ang Malabueñp tungo sa progreso at pag-unlad,” ani alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief

    Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef.     Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.     […]

  • NAVOTAS KINILALA NG DILG SA ANTI-DRUG CAMPAIGN

    KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa matagumpay na pagtugon nito sa problema ng iligal na droga kung saan nakapagtala ito 95% sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit na siyang pinakamataas sa NCR.     Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey […]

  • ICU beds sa Metro Manila na nasa ‘danger zone’ nireresolba na – NTF

    Pinawi ng National Task Force Against COVID-19 ang pangamba ng publiko ang pahayag ng Department of Health (DOH) na nasa “danger zone” na ang critical care capacity ng mga osiptal sa Metro Manila.   Sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr., may mga na-locate na silang mga ospital at facilities na may sapat pang […]