• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,400 pamilya makikinabang sa itatayong NavotaAs Homes III

SISIMULAN na ang pagtatayo ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasunod ng isinagawang groundbreaking nito sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa National Housing Authority (NHA).

 

 

Pag natapos na ang may 5.6 ektaryang proyektong pabahay na may 24 na palapag at may tig-60-unit ang bawat isa ay tiyak na pakikipanabangan ng 1,400 pamilyang Navoteño.

 

Sinabi ni Mayor Tiangco na nais nilang magkaroon ng maayos at ligtas na matitirhan ang mga Navoteños na naninirahan sa malapit sa baybaying dagat at lugar na malimit lumubog sa baha.

 

“More importantly, we want them to have a fresh start. ‘Bagong bahay, bagong buhay’ embodies our dream of providing them with not just a home but a new beginning filled with hope and opportunity,” aniya.

 

Sa kasalukuyan, lima na ang in-city housing project ng Navotas na may kabuuang 2,187 units na tinitirhan na ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog, bagyo, at iba pang kalamidad.

 

Samantala, malugod namang pinuni ni Cong. Toby Tiangco ang proyekto na aniya ay pang-matagalang solusyon sa kawalan ng maayos na matitirhan ng maraming Navoteño.

 

“This project reflects our unwavering commitment to uplifting the lives of Navoteños. Providing safe, accessible, and well-equipped housing is not just about shelter but about building a foundation for a brighter future,” pahayag niya.

 

Umaasa ang magkapatid na Tiangco na kanilang mapapasinayahan na sa susunod na taon ang phases 1 at 2 ng proyekto upang mapakinabangan na ng kanilang mga kababayang walang maayos na tirahan.

 

Dumalo din sa seremonya ng groundbreaking sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald Samuel T. Young. (Richard Mesa)

Other News
  • 4 na tulak timbog sa shabu at damo

    APAT na hinihinalang drug pushers ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. […]

  • 3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

    HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]

  • ‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD

    INILUNSAD  ng Quezon City Police District (QCPD)  sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sari­ling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon.     Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod.     “We will deploy drones […]