Gamot sa cancer, diabetes wala ng VAT – FDA
- Published on December 3, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Drug Administration (FDA) na idinagdag sa listahan ng wala ng value added tax (VAT) ang ilang gamot para sa cancer at diabetes, matapos payagan ang hiling ng mga kumpanya.
Sinabi ni FDA spokesperson Atty. Pamela Sevilla na ang karagdagang VAT-exempt list medicines ay nadesisyunan ng mga kinatawan ng DFA, Department of Health (DOH), Department of Finance (DoF), at ng Bureau of Internal Revenue(BIR).
Kinabibilangan ito ng Diabetes Medicine na Sitagliptin: Film-coated tablet (25 mg, 50 mg, 100 mg); Sitagliptin (as hydrochloride) + Metformin Hydrochloride: Film-coated tablet (50 mg/1 g, 50 mg/850 mg); Sitagliptin (as hydrochloride monohydrate): Film-coated tablet (25 mg, 50 mg); Linagliptin: Film-coated tablet (5 mg).
Gayundin ang Cancer Medicines na Degarelix: Freeze-dried powder for solution for injection (80 mg and 120 mg); Tremelimumab: Concentrate for solution for infusion (25 mg/1.25 mL, 20 mg/mL)
Kabilang din sa VAT exempt list ang mga gamot sa Mental Illness na Clomipramine Hydrochloride: Film-coated tablet (25 mg); Chlorpromazine (as hydrochloride): Tablet (200 mg); Midazolam: Film-coated tablet (15 mg.)
Noong Agosto, inanunsyo na ng FDA ang VAT-exempt na may 15 cancer, high cholesterol, hypertension, at mental illness medicines.
Ayon sa FDA, matutunghayan sa kanilang website ang mga gamot na VAT-exempt.
-
Ini-endorse na sangria, may non-alcoholic na: MOIRA, inalala ang nakatutuwang eksena nang malasing sila ni KZ
ANG mahusay na singer-songwriter na kilala sa kanyang heartfelt lyrics ang napiling first brand ambassador ng Maria Clara Sangria – ang leading sangria brand sa Pilipinas. Ini-launch din ang non-alcoholic version na Maria Clara Virgin Sangria, na masarap pang-chill-chill lang at hindi nakalalasing. Lumikha rin si Moira ng anthem na “Maria Clara,” isang […]
-
Kaabang-abang ang line-up ng 12th QCinema filmfest… ‘Phantosmia’ na pinagbibidahan ni JANINE, first time na mapapanood sa bansa
KAABANG-ABANG ang lineup sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival na may temang ” The Gaze” kung saan tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t-ibang kategorya. Sa kauna-unahang pagkakataon, apat na short films na produkto ng Directors’ Factory Philippines, isang omnibus film project na […]
-
DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’
NAGPASAKLOLO na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes. “I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have […]