Mga negosyante kinontra ang plano ng MMDA na pagbawalan ang mga pagsasagawa ng Sales
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
KINONTRA ng Philippine Retailers Association (PRA) ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan ang pagsasagwa ng mall-wide sales ngayong Christmas season.
Sinabi ni PRA President Roberto Claudio na tuwing ngayong panahon lamang nakakabawai ang mga store owners kung saan hindi lamang ang mga malalaking negosyante at maging ang mga medium-sized at maliliit na negosyante.
Maging ang gobyerno aniya ay makikinabang dahil sa Value Added Tax na mga nababayaran ng bawat mamimili.
Hindi naman nila ikinaila ang nararaanasang matinding trapiko sa kahabaaan ng EDSA kung saan mayroong mahigit 20 malls ang matatagpuan dito subalit may kaparaaanan naman para maresolba ang nasabing trapiko.
Una ng binigyang linaw ng MMDA na maaari pa ring magkaroon ng mga sales basta walang anumangmalaking promotions para hindi sila tunguhin ng mga tao.
-
Paolo, Krista at Sid, may kanya-kanyang paniniwala: RHEN, umaming na-karma dahil sa nagawang mali pero may natutunan
DAHIL ‘Karma’ ang titulo ng pelikula, tinanong namin ang cast kung naniniwala sila sa karma at kung ano ang mga dinanas nila sa tunay na buhay. “Yes, naniniwala ako sa karma,” umpisang pahayag ni Paolo Paraiso. “Dahil buong buhay ko isa yun sa mga pinapaniwalaan talaga na, do good […]
-
Philippine mens’ football team nanawagan ng suporta sa nalalapit na ASEAN Cup
MAAGANG naghahanda na ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa pagsabak nila sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024. Sa darating kasi ng Disyembre 12 ay makakaharap nila ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam na kapwa ito gaganapin sa Rizal Memorial Stadium. Habang mayroon din silang mga […]
-
Vendor na bagong laya, itinumba
TODAS ang isang 54-anyos na vendor na kalalabas lamang umano kamakailan sa kulungan matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktima na nakilalang si Rogelio Esguerra, binata, ng 7041 Maligaya […]