• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OP, top spender ng confidential, intelligence funds noong 2023- COA

TOP spender ang Office of the President (OP) pagdating sa confidential and intelligence funds nito noong 2023.

 

 

Sa katunayan, gumastos ang OP ng P4.57 billion na confidential at intelligence expenses noong 2023, ayon sa Commission on Audit (COA) Annual Financial Report.

 

 

Ang CIE expenses ng OP ay P4.57 billion noong nakaraang taon, bahagyang mas mataas kaysa sa P4.51 billion noong 2022.

 

Sa kabuuan, P2.2 billion ay para sa confidential expenses, P2.3 billion ay para naman sa intelligence expenses at P10,052,747.65 para naman sa extraordinary at miscellaneous expenses.

 

“The Office of the President remained to post the highest amount of confidential expenses, maintaining the same level as last year,”ayon sa report.

 

“Confidential expenses are expenses related to surveillance/confidential activities in civilian government agencies that are intended to support the mandate or operations of the agency,” dagdag na pahayag ng komisyon.

 

Ang Department of Justice ay nasa ranked second sa mga top spenders ng confidential funds, nagkakahalaga ng P683.85 million.

 

Kabilang sa mga naging gastos ay para sa Office of the Secretary, National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration.

 

Sumunod naman dito ang Philippine Drug Enforcement Agency, na gumastos ng P500 million.

 

Sa kabilang dako, kabilang naman sa mga ahensiya na top spenders ng confidential expenses ay ang :

 

– Office of the Vice President (P375 million)

– National Intelligence Coordinating Agency (P127.41 million)

– National Security Council (P90 million)

– Department of National Defense (P78.92 million)

 

– Department of Interior and Local Government (P75 million)

 

 

Makikita sa breakdown ng COA na ang OVP ay naglaan at gumastos ng mas marami sa confidential funds kaysa sa NICA, NSC at NBI, may kabuuang P363.58 million.

 

Tinitingnan ng House Committee on Good Government ang di umano’y maling paggamit ng confidential funds ng OVP at Department of Education sa ilalim ng liderato ni VP Sara Duterte noong 2022 at 2023.

 

Si VP Sara ay nahaharap ngayon sa dalawang impeachment complaints ukol sa alegasyon ng korapsyon, bribery, betrayal of public trust at iba pang high crimes na iniuugnay sa di umano’y maling paggamit ng public funds ng kanyang ahensiya.

 

Itinanggi naman ni VP Sara ang maling paggamit ng confidential funds ng ahensiya.

 

Sinasabi pa rin sa ulat ng COA na karamihan sa naging gastos ng OP ay mula sa intelligence funds noong 2023.

 

Gumastos ito ng P2.31 billion o 38.72% ng kabuuang P6.03 billion kabilang ang lahat ng ahensiya.

 

“Intelligence expenses, on the other hand, are expenses related to intelligence information gathering activities of uniformed and military personnel, and intelligence practitioners that have direct impact to national security,” ang sinasabi sa report.

 

Sinabi ng COA na ang pagpapalabas ng intelligence funds ay ‘subject to the President’s approval.’

 

Ang ibang mga ahensiya na may ‘notable intelligence fund expenses’ ay ang:

 

– Department of National Defense (P2.25 billion)

– Philippine National Police (P936.6 million)

– National Intelligence Coordinating Agency (P522.71 million)

 

Kabilang sa pigura ng DND ay ang intelligence expenses ng General Headquarters-Armed Forces of the Philippines, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, and the Office of the Secretary.

 

 

Sinasabi na ang intelligence expenses ng Navy (P40.42 million), Air Force (P17 million) at Air Force (P11.9 million) ay wala sa kalingkingan kung ikukumpara sa ibang mga ahensiya, sa kabila ng operasyon at mandato nito sa seguridad.

 

Ang gobyerno ay gumastos ng P10.443 billion na confidential at intelligence expenses noong nakaraang taon. Ito ay P685.65 million, mas mataas kaysa sa P9.757 billion na nagasta noong 2022.

 

Ang Confidential fund spending ay tumaas mula P3.85 billion sa P4.42 billion noong 2023.

 

Ang Intelligence expenses naman ay P5.9 billion noong 2022 na naging P6 billion noong 2023.

 

Samantala, kapwa wala namang CIE allocations noong 2023 ang dalawang Kapulungan ng Kongreso, ang Senado at ang Kongreso. (Daris Jose)

Other News
  • Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).   Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.   “My warmest […]

  • LRT 1 walang operasyon sa Dec. 3 – 4

    SUSPENDIDO muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 simula sa Dec.3 hanggang Dec. 4 upang bigyang daan ang reintegration ng istasyon sa Roosevelt sa buong linya.     Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang nagbigay ng anunsiyo ng suspensyon ng operasyon.     “LRT 2 has to be closed for two days […]

  • 1,000 pulis idineploy sa libing ni ex-President Noynoy

    Nasa 1,000 pulis ang naatasang idineploy sa funeral procession ni dating Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon.     Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar unang nagpakalat ng mga pulis sa  Ateneo de Manila  University sa  Quezon City  kung saan isinagawa ang misa sa dating Pangulo hanggang sa  procession route sa C5 Road at […]