• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: Zero subsidy sa PhilHealth, anti-poor

“HINDI katanggap-tanggap at makamahirap!”

 

 

 

Ganito ang naging pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go, isang crusader para sa mga reporma sa kalusugan, ukol sa niratipikahang Bicameral Committee Report sa 2025 General Appropriations Bill, partikular sa panukalang zero subsidy para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon.

 

 

Matapos pagtibayin ng Senado ang ulat ng bicam, binigyang-diin ni Go ang mga implikasyon ng hakbang na ito at idiniin ang masamang epekto nito sa mahihirap na Pilipino at sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Law.

 

 

Ipinunto ni Go na bagama’t nasiwalat sa mga ka­makailang pagdinig ng Senate health committee na ang PhilHealth ay may reserbang pondo na lampas sa P500 bilyon, hindi pa rin makatuwiran na alisan ng subsidiya ng gobyerno ang state health insurance program.

 

“Hindi ako sang-ayon na dapat nating ganap na tanggalin ang subsidy para sa PhilHealth. Ito ay hindi katanggap-tanggap at anti-poor,” idiniin ni Go.

 

 

Iginiit ng senador na mahalagang tiyakin ang suporta ng gobyerno para sa PhilHealth upang mapahusay ang mga benepisyo nito para sa mga Pilipino, partikular na sa mga mahihirap na pasyente.

 

 

Binigyang-diin ni Go na bagama’t dapat gamitin ng PhilHealth ang mga kasalukuyang pondo nito nang naaangkop, dapat ding panindigan ng mga mambabatas ang kanilang responsibilidad na idirekta ang mga pondo ng gobyerno patungo sa mga inisyatiba na may kaugnayan sa kalusugan upang matiyak na ang mga serbisyo sa healthcare ay hindi makokompromiso.

 

 

Alinsunod sa Universal Health Care Law, dapat maibaba nang husto ang pagbabayad ng pang-medikal ng bawat Pilipino ngunit malayong- malayo na ito sa hangarin nito dahil sa zero budget ng PhilHealth.

 

 

“Ang mga mahihirap na pasyente ang kawawa dito. Malaking tulong po sa indigent patients kung mapapaganda ang PhilHealth para mabawasan ang kanilang gastos o out-of-pocket expenses. Imbes na ibayad sa ospital, pwede na nila itong ipambili ng gamot, pagkain, at iba pang pangangailangan,” ayon pa kay Go.

Other News
  • BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL

    NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante  sa Delpan Bridge sa Maynila.      Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman  nakipag-ugnayan pa ang coast […]

  • PBA legend Robert Jaworski patuloy ang paggaling

    Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni PBA legend Robert “Sonny” Jaworski matapos na dapuan ng pneumonia noong nakaraang taon.     Sinabi ng kaniyang anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr., nagkaroon ng rare blood disorder ang ama na nagdulot ng paglutang ng iba niyang sakit.     Dagdag pa nito, maganda na rin ang lagay […]

  • IMBESTIGASYON LABAN SA FLIGHT ATTENDANT, MAKUKUMPLETO NA

    INAASAHANG makumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pakamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City noong December 31,2020.   Ito ay makaraang matanggap na ng NBI angilan pang ebidensya na hawak ng Philippine National Police (PNP) tulad ng specimen, cellphone at garments. […]