• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 todas sa sunog sa Navotas

LIMA katao, kabilang ang mag-ina at tatlong estudyanteng babae na mga menor-de-edad ang nasawi sa naganap na halos isang na sunog na tumupok sa isang bahay sa Navotas City, Sabado ng umaga.

 

 

 

Kinilala ang mga biktima na sina Sarah Constantino, 41, kanyang anak na si Xylem Lorraine Constantino, 17, senior high, pinsan na si Ruthie Tongco, 11, grade 6, at magkapatid na sina Daniella, 13, grade 8, at Kayla Jocson, 12, grade 6.

 

 

Nagpaabot naman ng kanilang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa mga naulila si Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco.

 

 

Sa tinanggap na ulat ng Navotas City Public Information Office mula sa Navotas Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:02 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa hindi pa batid na dahilan sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy.San Roque.

 

 

Kaagad itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog kung saan idineklara itong under control alas-7:42 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-7:53 ng umaga.

 

 

Nang pasukin ng mga bumbero ang bahay, tumambad sa kanila ang walang malay na katawan ng mga biktima kaya kaagad silang isinugod sa Navotas City Hospital subalit, hindi na umabot ng buhay ang mga ito dahil sa pagkakalanghap ng usok.

 

 

Ayon sa Navotas BFP, walang tinamong sunog sa mga katawan ang mga biktima at wala ring palatandaan na naging biktima sila ng anumang uri ng karahasan.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy kung magkano ang halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog habang inalaam pa ang kung anu ang pinagmulan ng nasabing insidente.

 

Tiniyak naman ni Mayor Tiangco na magpapadala ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawi ang lokal na pamahalaan at sasagutin na rin nila ang libing o cremation ng mga biktima.

 

Nanawagan din ang alkalde sa mamamayan na maging maingat at mapagbantay ngayon panahon ng Kapaskuhan lalu na’t kabi-kabila ang mga sub-standard na ibinebentang Christmas lights. (Richard Mesa)

Other News
  • Josh Hutcherson Tackles Darkness and Animatronic Terror in “Five Nights at Freddy’s”

    Josh Hutcherson tackles darkness and animatronic terror in “Five Nights at Freddy’s.” Dive deep into the suspense, with a touch of Jim Henson magic, hitting cinemas November 1. FROM the global box-office hit “Hunger Games,” Josh Hutcherson stars in Five Nights at Freddy’s, a thrilling survival movie as he takes on the role of Mike, an […]

  • First artist na may apat na ‘Album of the Year’: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa 2024 Grammy Awards

    BILANG beterana na sa showbiz, sinabi ni Janice de Belen na ang mahalagang aral na kanyang natutunan sa pagiging aktres ay ang pagrespeto sa oras ng iba.     “Discipline. Listening. And coming on time. Medyo OA ako pagdating sa time. Kahit na noong bata ako, my 8 a.m. on the set will always be 7:30. […]

  • Media security, “best done” sa pakikipag-ugnayan sa newsrooms-CHR

    PINAALALAHANAN ng  Commission on Human Rights (CHR)  ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”.     Sa isang kalatas,  sinabi ng CHR  na welcome sa kanila ang naging  direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat  na “Unannounced police […]