• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spot report ng Sulu PNP sa pagpatay sa 4 sundalo ‘fabricated’ – army chief

Hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang inilabas na spot report ng Sulu PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis sa Jolo,Sulu.

 

Tinawag ni Philippine Army Commanding General, Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated ang report at “full of inconsistencies at very misleading.”

 

Naniniwala si Gapay na pinatay ang kanyang mga tauhan at hindi misencounter ang nangyari.

 

Walang armas ang mga sundalo ng pagbabarilin ng lima sa siyam na pulis at saka tumakas.

 

” We find the report fabricated, full of inconsistences parang sine and very misleading, it happens, we could accept it because this is a part of our job, we get killed in performing our job, we get killed in performing our job but getting unnecessarily killed in the hands of your partners its different, its something that that can be prevented,” pahayag ni Gapay.

 

Aniya, walang sagupaan na nangyari at hindi nagpaputok ang mga sundalo.

 

Hindi napigilan ni Gapay ang kaniyang galit at inaming masama ang kaniyang loob hinggil sa insidente.

 

Aniya, gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo

 

Ayon kay Gapay, nawalan siya ng apat na magagaling at beteranong army intelligence officer.

 

Nagbigay na ng kanilang testimonya ang mga testigo.

 

Binigyang-diin ni Gapay, batid ng mga sundalo na parte sa kanila na sila ay mamamatay dahil sa kanilang trabaho pero kapag pinatay ng walang katuturan, ibang usapan aniya ito na sana ay maaaring maiwasan.

 

Nakakuha na rin ng kopya ang militar ng CCTV footage.

 

Naka sibilyan ang apat na sundalo dahil sa may minamanmanan ang mga ito na terorista.

 

Kinumpirma ni Gapay na may sinusundang dalawang suicide bombers ang mga ito at kanila ng natukoy ang location at kanila na lamang tinutumbok ang eksaktong lugar.

 

Dahil sa insidente, mataas ang tensiyon ngayon sa Jolo kung saan nais sana maghiganti ng mga sundalo pero pinakalma na ang mga ito ng mga military commanders.

 

Siyam na pulis ang tinukoy na responsable sa pamamaril sa apat na sundalo. (Daris Jose)

Other News
  • Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]

  • Nicolas Cage As Dracula First Look Revealed In New Movie Set Photos

    First Look of Nicolas Cage As Count Dracula from the set of  ‘Renfield” NICOLAS Cage is a very pale-looking Dracula in first look photos from the set of Renfield. Nicholas Hoult plays the vampire’s unwilling assistant in the upcoming horror-comedy from The Tomorrow War director Chris McKay. Renfield also stars Awkwafina, Ben Schwartz, Adrian Martinez […]

  • 2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown

    ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19.       “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng […]