• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jordan positibo sa Covid-19

UNITED STATES – Pakiramdam  ng isang National Basketball Association (NBA) star ay  timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga.

 

Ayon kay  Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp.

 

Sinabi ni Jordan malabo na siyang makapaglaro sa pagbubukas ng liga sa July 31 (Manila time).

 

“Hindi ko akalain na magpositibo ako  sa pangalawang confirmation,” ani ng 31-anyos na dating NBA All-Star sa kanyang social media account.

 

Hawak ng Nets ang pang-pitong pwesto sa  NBA Eastern Conference kaya malaki ang posilibidad na makapasok sila sa playoffs.

 

Nitong nakaraang season ay kumakamada si Jordan ng average na 8 points at 10 rebounds.

 

Pitong manlalaro ng Nets ang hindi makakasali sa muling pagbubukas ng liga gaya nina Spencer Dinwiddle at Kevin Durant dahil sa novel coronavirus.

Other News
  • Pasasalamat ni Marcos Jr., hindi na makapaghintay

    SINABI ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos Jr., Lunes ng gabi, Mayo 9, na hindi na makapaghintay ang kanyang pasasalamat sa taumbayan sa kabila ng batid niyang hindi pa kumpleto ang bilangan ng boto.     Nagbigay ng kanyang pahayag si Marcos matapos na patuloy siyang manguna sa partial at unofficial tallies ng […]

  • Fund raising ng Muaythai Association of the Ph, pandagdag sa budget ng national athletes

    Aktibong nagpa-fund raising ang Muaythai Association of the Philippines para maidagdag na tulong sa national athletes kasunod ng pagbawas ng 50% sa budget ng mga ito.   Sa interview kay Asst. Sec. Gen. Francis Amandy ng Philippine Muaythai, sinabi niyang nag o-online selling sila at online tutorial kung saan ang lahat ng kinikita ay binibigay […]

  • Pinakamababang reproduction number sa NCR, naitala

    Nakapagtala na ang National Capital Region (NCR) ng 0.55 reproduction number na siyang pinakamababa mula noong Mayo, ayon sa OCTA Research Group kahapon.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na noong Mayo 18, nakapagtala ang rehiyon ng 0.58 reproduction number saka nagtuluy-tuloy sa pagtaas.     Ang reproduction number ay ang bilang […]