• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P25 MILYON HALAGA NG SMUGGLED FOOD PRODUCTS, NASAMSAM

TINATAYANG mahigit sa P25 milyon halaga ng food items kabilang ang mga frozen peking ducks sa kabila ng ito ay ipinagbabawal dahil sa banta sa bird flu ang nasAmsam ng pinagsamang puwersa ng Bureau of Custom  (BoC) at National Bureau  of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa Brgy Anunas, Angeles City, Pampanga.

 

Dakong alas-12:30 ng Huwebes  nang isinagawa ang pagsalakay s a isang warehouse ng pangkat ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI – SAU ) at ang the Philippine Coast Guard (PCG).

 

Ang ginawang pagsalakay ay bunsod sa isang Letter of Authority (LOA) No. no. 06-10-041-2020  at  Mission Order (MO) no. 06-10-2020- 086 na insiyu ng Commissioner ng BOC at isinilbi sa isang Jimgold M. Tan, ang representative ng warehouse.

 

Bago ang isinagawang operasyon ay nauna nang nakipag-coordiate ang grupo sa Barangay na nakakasakop at Philippine National Police (PNP.

 

Nasamsam ng grupo ang mga soy sauce, oil, at mga  frozen food products kabilang ang Peking duck, fish balls, squid balls, vegetables, pork meat, at iba pa sa loob ng warehouse at s ainisyal na imbentaryo sa mga produkto ay umaabot sa 1,149 boxes, at sa bawat isa ay may 10 ulo ng peking ducks na nagkakahalaga ng P23 milyon habang ang ibang frozen product ay nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

Pinaniniwalaan na ang nasabing mga produkto ay smuggled sa ibang bansa dahi sa ipinapairal na ban sa pag-iimport ng poultry product bukod dito ang United States, Canada at Australia at kinakailangan na ang nasabing mga produkto ay dapat na pumasa sa panuntunan at pagsusuri ng Custom at iba pang regulatory government agencies (Gene Adsuara)

 

Other News
  • Imbestigasyon sa naudlot na town hall pres’l at vice pres’l debate, tatapusin ngayong linggo – COMELEC

    TARGET ng Commission on Elections (COMELEC) na makumpleto ang imbestigasyon sa panghuli na sanang presidential and vice presidential debate ngayong April 23 at 24 na kapwa town hall format, ngunit ipinagpaliban sa susunod na linggo.     Kaugnay ito ng kabiguan ng kanilang partner na Impact Hub na bayaran ang Sofitel Plaza na siyang ginamit […]

  • “Walk of faith” isasagawa sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno

    INIHAYAG  ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na magkakaroon ng Walk of Faith sa Enero  2023 bilang bahagi ng kapistahan ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez, ibinahagi nitong bagamat ipagpaliban ang nakagawiang prusisyon ng […]

  • PH football team makakaharap ang Vietnam sa SEA Games

    MAY nakikitang pag-asa si Under-23 Philippine football coach Norman Fegidero matapos na maisama sa grupo ang defendin champion na Vietnam para sa 30th Southeast Asian Game sa darating Mayo sa Hanoi, Vietnam.     Sinabi nito na unang makakaharap nila ang Timor Leste.     Wala aniyang gaanong pagbabago dahil sa hindi naman aniya sila […]