• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-PBA player Junel Mendiola, pumanaw na, 45

Pumanaw na ang dating PBA player na si Junel Mendiola sa edad 45.

 

Sinasabing hindi na nito nakayanan ang lung surgery noong Mayo 29 sa Cardinal Santos Medical Center.

 

Mula sa Intensive Care Unit (ICU) ay inilipat ito sa regular na room ang dating miyembro ng 2002 Purefoods champion team.

 

Ipinagdiwang pa nito ang kaniyang kaarawan noong June 13 kung saan binisita pa siya ni Blackwater deputy coach Romel Adducul sa pagamutan.

 

Naging 20th overall pick ng Purefoods noong 2002 draft at kasama siya sa championship ng Governors cup ng talunin nila ang Alaska Aces.

 

Bukod sa paglalaro sa PBA ay naglaro din ito sa Philippine Basketball League (PBL) at Metropolitan Basketball Association (MBA).

 

Kasama rin si Mendiola sa men’s basketball team ng manalo sila ng gold medal sa 21st Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur sa Malaysia noong 2001.

Other News
  • Ibinahagi rin ang istorya sa likod ng ‘Nutribun’… Senator IMEE, ginunita ang 105th birth anniversary ng kanyang ama

    IPINAGDIWANG at ginunita ni Senator Imee Marcos noong September 11 ang 105th birthday ng ama at dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos sa dalawang bagong vlog entries na eere sa kanyang opisyal na YouTube Channel ngayong weekend.     Ngayong Setyembre 16, ibabahagi ni Imee ang mga eksklusibong video clips ng katatapos lamang na […]

  • Ravena nag-boxing muna

    HABANG hindi pa abala sa pagba-volleyball ang bunso sa tatlong atletang Ravena na si Danielle Therese o Dani, ibang bagay na muna ang kanyang pinagbibisi-bisihan.   Ipinaskil ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star sa kanyang Instagram story nitong isang araw, ang pagboboksing kasama ang partner na si Jan Benavides.   Kahit […]

  • Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA

    Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.     Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga […]