• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UST, kokoronahang overall champion ng UAAP Season 82

Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic.

 

Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo.

 

Gayunman, wala raw munang gagawaran ng Athletes of the Year dahil marami ang hindi nakapaglaro sa 2019-20 season.

 

“That’s why it’s just fitting to award an overall champion. As to the Athlete of the Year, iba ang effect. May mga athlete na hindi nakapag-compete,” wika ni UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag sa ginanap na online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

 

Samantala, ayon naman kay UAAP president Em Fernandez, makikipag-usap daw ang kanilang hanay sa isang malaking TV network para sa pag-eere ng closing ceremony ng collegiate league sa taong ito.

 

“It will be a two-hour show (but) it’s not live. In the sense of a closing ceremony, it will be a closing ceremony with a season recap, with the awards, and the turnover,” ani Fernandez.

Other News
  • Valenzuela PESO humakot ng multiple awards

    NAG-UWI ng multiple awards ang Public Employment Service Office (PESO) – Valenzuela matapos kilalanin ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE – NCR) bilang Best Performing PESO sa NCR 2023 sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian.     Nakamit ng PESO-Valenzuela ang tatlong core function awards na Best in Referral and […]

  • Sumisipsip daw kay Coco para mapasama sa ‘BQ’: SHARON, napikon at ‘di pinalampas ang akusasyon ng basher

    MASAYANG nag-post sa kanyang Instagram si Megastar Sharon Cuneta tungkol kina Coco Martin at Julia Montes: “Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!!  Happy si Mommy ‘mysha’ @monteskjulia08 @cocomartin_ph  “P.S.  I become close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’S Ang Probinsyano towards the end of 2021. “Whatever they may have gone […]

  • UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

    ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo […]