• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakilalang si Romy Aluad, 24, ng Damata St. Brgy. Tonsuya.

 

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Julius Mabasa, naganap ang insidente alas-10 ng gabi sa Block 2, Damata, Brgy. Tonsuya.

 

Papunta ang biktima sa kalapit na tindahan nang mapansin nito ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na bote ng alak.

 

Sinita ng biktima ang suspek at tinangkang awatin subalit, nagalit ito saka binasag ang hawak na bote bago pinagsasaksak sa katawan si Lazaro.

 

Sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao na iprisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • Manny “Pacman Pacquiao wagi via Unanimous decision sa exhibition match laban kay DK Yoo ng South Korea

    Nagwagi ang Pambansang Kamao na si Manny Pacman Pacquiao, sa exhibition game sa pamamagitan ng Unanimous decision.     Nilabanan ni Pacman si DK Yoo na pambato ng South Korea at naganap nga ito sa Goyang, sa Seoul.     Una rito, naging mainit ang laban nang dalawa at dalawang beses nga napabagsak ng Pambangsang […]

  • Dwayne Johnson and Ryan Reynolds team-up to catch Gal Gadot’s art thief in Netflix’s upcoming ‘Red Notice’

    THE first trailer for Netflix’s Red Notice has arrived teasing the streamer’s epic and explosive November blockbuster.     Starring Gal Gadot, Ryan Reynolds, Chris Diamantopoulos, and Dwayne Johnson, the film will follow Johnson’s FBI agent who is adept at tracking high-profile criminals.     In his sights are Reynolds’ con artist and Gadot’s art thief, both of whom […]

  • Publiko pinag-iingat sa mga Istasyon ng EDSA busway

    Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumasakay sa EDSA carousel na mag-ingat matapos na may isang tao na wala sa tamang pag-iisip ang naghurementado na may dalang patalim.     Ang pangyayari ay naganap sa Istasyon ng Ortigas Avenue ng Edsa Carousel kung saan ang isang traffic marshal ay hinabol nito. […]