Disbarment complaint laban kay FPRRD, inihain sa SC
- Published on January 19, 2025
- by Peoples Balita
NAGHAIN ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Korte Suprema, Enero 17.
Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, bitbit ang mga plakards na walang karapatan at hindi karapat-dapat na maging abogado ang dating pangulo.
Sinabi ng abogado na si Atty. Vicente Jaime Topacio na siya ay anak ng peace consultants na si Agaton Topacio at Eugenia Magpantay na pinatay sa panahon ng Duterte administration.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hindi sila mapapagod na lumaban at hiiling nila sa Kataas-taasang Hukuman na bigyan ng dignidad ang kanilang pagkatao na magkaroon ng karapatan na magkaroon ng hustisya.
Maalala sa isang congressional hearing, sinabi ni Duterte na aakuhi niya ang ‘full responsibility’ sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Sa rekord ng gobyerno, nasa humigit-kumulang 6,2000 drug suspect ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021 ngunit pinabulaanan ito ng human rights group at sinabing ang bilang ay umabt sa higit 30,000 dahil sa unreported related killings. (Gene Adsuara)
-
Matapos ihayag ni PBBM na ibi-veto ang bill… 7 senador atras sa Anti-teenage Pregnancy Bill
MATAPOS ihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibi-veto ang anti-teenage pregnancy bill, pitong senador ang umatras sa pagsuporta sa panukala. Ito ay sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senators Loren Legarda, Bong Revilla Jr., Senators Bong Go, JV Ejercito, Cynthia Villar at Nancy Binay. Nauna rito, nagpahayag ng pag-aalala si Pangulong Marcos kaugnay […]
-
SRP sa bigas planong ipatupad ng DA
PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto. Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang […]
-
48 LSIs sa Rizal Stadium may COVID-19
Umabot na sa 48 na mga locally stranded individuals o LSIs na na namalagi sa Rizal Memorial Stadium ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Dahil dito, nakatakdang isailalim sa isang araw na lockdown ang stadium upang magsagawa ng decontamination o disinfection sa buong lugar. Matatandaan na umabot sa […]