• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart

Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World.

Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring mga dahilan, tulad ng coronavirus pandemic at social issue sa Amerika.

Batay sa memo mula sa National Basketball Players Association, nagkasundo rin daw ang liga at ang unyon na sa muling pagpapatuloy ng season, sinumang players na mas pipiliing hindi muna maglaro ay babawasan ng 1/92.6th ang kanilang kompensasyon sa kada game na hindi nila sasalihan, na may limitasyon na hanggang 14 laro.

Maliban dito, inabisuhan na rin ng NBA ang mga players na sasailalim sila sa ilang mga proseso sa oras na umalis sila sa Disney campus na walang pahintulot.

Kabilang na raw dito ang pagsailalim sa 10 hanggang 14 na self quarantine, pagbawas sa sahod sa kada larong hindi lalahukan, at enhanced testing gaya ng deep nasal swab.

Una rito, sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na kung hindi raw panatag ang isang player na maglaro sa Disney sa anupamang rason, hindi naman daw nila kinakailangang mag-report sa kanilang

Other News
  • Hirit ng grupo ng provincial bus, pinag-uusapan na ng IATF- Nograles

    PINAG-UUSAPAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga piling ahensiya ng pamahalaan ang apela ng grupo ng provincial bus sa gobyerno na full operation sa Kapaskuhan.   “Kumbaga, mag-uusap about the concern at issues po tungkol diyan. And sa lalong madaling panahon, hopefully, we’ll be able to come up with the program soon,” ayon […]

  • Pagkakasama ng Hongkong sa pansamantalang suspensyon ng inbound international flights, hindi pa pinal- NTF

    HINDI pinal ang pagkakasama ng Hong Kong Flights bilang bahagi ng pansamamtalang suspensyon ng inbound international flights dahil sa umusbong na Omicron variant.   Ito ang nilinaw ng National Task Force (NTF).   Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hinihintay pa nila ang magiging anunsyo ng Inter-Agency Task Force ( […]

  • Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief

    IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan  na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.   Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.   Binigyang halimbawa pa […]