• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Athlete of the year igagawad kay Yulo

MAGNININGNING  ang gabi tampok ang pinakamahuhusay na Pinoy athletes na gagawaran ng parangal sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Pormal nang igagawad kay Carlos Yulo ang Athlete of the Year award matapos ang impresibong kampan­ya nito sa 2024 Paris Olympics.

Iwinagayway ni Yulo ang bandila ng Pilipinas nang masungkit nito ang dalawang gintong medalya sa gymnastics kung saan pinagharian nito ang men’s floor exercise at men’s vault.

Magsisimula ang prog­ramang co-presented ng ArenaPlus, Cignal, at MediaQuest sa alas-7 ng gabi bitbit ang temang ‘Golden Year, Golden Centenary.’

May kabuuang 117 awardees ang pararangalan sa taong ito kabilang ang mga Olympians sa nakalipas na mga edisyon para magsilbing guest of honor.

Magkakaroon ng kinatawan ang bawat batch ng Olympians sa nakalipas na 60 taon para samahan ang mga 2024 Paris Olympians sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Senator Bong Go, PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Rain or Shine, Akari at AcroCity.

Si Freddie Webb, na naglaro para sa men’s basketball team sa 1968 (Mexico) at 1972 (Munich) Olympics, ang magsisilbing keynote speaker at kinatawan ng mga Olympians.

Iluluklok naman si weightlifter Hidilyn Diaz sa Hall of Fame.

Apat na beses na na­ging Athlete of the Year si Diaz noong 2016, 2018, 2021 at 2022.

Si Diaz ang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics noong 2020 Tokyo Games sa Japan.

Ibibigay naman kina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas ang President’s Award bunsod ng kanilang tansong medalyang nakamit sa Paris Olympics.

Pararangalan naman si POC President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng 2024 Executive of the Year habang ang Gymnastics Association of the Philippines ang National Sports Association (NSA) of the Year.

Kasama rin sa PSA honor roll ang NCAA at MVP Group of Companies na may Special Award gayundin ang 19 citations, at pitong batang awardees ng Tony Siddayao Awards.

Other News
  • 19-yr old Carlos Alcaraz ng Spain nagtala ng kasaysayan sa pagkampeon sa US Open 2022

    INILAMPASO ng 19-anyos na Spanish tennis player na si Carlos Alcaraz ang Norwegian player na si Casper Ruud sa katatapos lamang na US Grand Slam Championship game sa New York.     Sa katunayan ito ang kauna-unahang Grand Slam Singles title ni Alcaraz matapos nitong matalo si Ruud sa score 6-4, 2-6, 7-6(1), 6-3.   […]

  • Balik-TNT ni Erram, nabitin

    NASA balag pa ng alanganin ang balik ni John Paul ‘Poy’ Erram sa Talk ‘N Text para sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020.   Hanggang kahapon (Miyerkoles), sinusukat pang mabuti ng PBA ang trade proposal na magbabalik kay Erram sa KaTropa buhat sa North Luzon Expressway via Blackwater.   Wala pang lagda si […]

  • 137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022

    TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa. “Maganda […]