• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Displaced jeepney drivers posiblengkunin contact tracers sa COVID-19

Pinag-uusapan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga displaced na jeepney drivers bilang contact tracers para sa COVID-19.

 

Ang pamahalaan ay may planong gumastos ng P11.7 billion upang mag-hire ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.

 

Sila ang mag-identify ng mga taong nagkaroon ng close contact sa mga taong infected ng Corona virus upang sila ay mahiwalay sa mga walang sakit.

 

Ito ay habang hindi pa sila pinapayagan pumasada ang mga PUJs dahil sa quarantine restrictions habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng GCQ.

 

“Allowing jeepneys to ply the roads is not in the immediate horizon because it is almost a physical impossibility to observe social distancing when passengers face other,” wika ni Presidential spokesman Harry Roque.

 

Dahil dito kaya naisip ng pamahalaan ng humanap muna ng alternative livelihood para sa mga jeepney drivers.

 

May mga mungkahi na kunin na muna silang contact tracers dahil sa kasalukuyan ay kailangan ng pamahalaan ang mahigit kumulang na 120,000 na contact tracers. Sang ayon ay mayroon lamang na 30,000 na contact tracers ang Department of Health (DOH).

 

Samantala, pinag-iisipan din ng pamahalaan na magkaroon ng complete reconfiguration ang mga jeepneys upang maging compliant ito sa minimum health standards na pinatutupad ng IATF.

 

Kung kaya’t dahil sa mga restrictions, ang mga jeepney drivers na hindi nakakapasada ay umaasa na lamang sa dole-out ng pamahalaan at iba pa ng ay humihingi na lamang ng tulong sa mga lansangan.

 

Kaugnay din dito ay sinabi ni Roque na ang public transportation ay talagang mababawasan dahil sa pinatutupad na social distancing. Sinabi rin niya na maaaring hindi muna bumalik sa 100 percent ang transportation.

 

“Although we have opened the economy and the workforce can come back a hundred percent, it does not mean that we should let them into the work premises a hundred percent because we simply don’t have the capacity yet to provide public transportation if all of our workers are to be compelled to work in sites,” dagdag ni Roque.

 

Samantala, hiniling naman ani Senator Grace Poe sa pamahalaan na kung maaari ay gamitin ang traditional jeepney na compliant sa mga safety protocols upang madagdagan ang fleet ng mga public utility vehicles (PUVs) na nagsasakay sa mga libo libong commuters na pumapasok sa kanilang mga trabaho sa panahon ng GCQ.

 

“I noticed since the start of GCQ, only 90 buses have been plying EDSA as against 3,500 buses running pre-quarantine. With only 25 passengers per trip per unit, only about 20,000 passengers can be accommodated instead of the 250,000 before the lockdown,” ayon kay Poe.  (LASACMAR)

Other News
  • STUDENT HEALTH PROFILING SA EDAD 12-17 SINIMULAN NA SA VALENZUELA

    SINIMULAN nang ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Student Health Profiling para sa mga estudyanteng 12 hanggang 17 taong gulang dahil sa napipintong pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19.     Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, Setyembre 22 ang simula ng profiling, at kung ang anak ay nag-aaral sa public school sa […]

  • ALJUR, hinamon si KYLIE na sabihin kung sino ang unang nag-cheat sa kanilang relasyon; malaking sampal kung totoong pinagtaksilan

    HOT topic ang IG post ni Aljur Abrenica kung saan sinabihan niya ang ex-wife niyang si Kylie Padilla na magsabi nang totoo kung sino ba ang talagang unang nag-cheat sa kanilang relasyon.     Mahaba ang post ni Aljur (written in English) pero ang ibang netizens ay pinagdudahan pa kung si Aljur nga ba talaga […]

  • ‘Ligtas, payapa sa ngayon’: DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos ang 2 taon

    WALA pang mga major na insidenteng nangyari sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng libu-libong harapang mga klase ngayong araw — ito matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.     “Sa ngayong umaga, wala pa po kaming natatanggap na major incidents or challenges,” wika ni Department of Education spokesperson Michael Poa.     […]