• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob

ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network.

 

“Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network and sa ibang agency.

 

“Pinag-pray ko ‘yun, sabi ko, ‘Lord, please help me to decide kasi I honestly don’t know what to do and what’s meant to be is what meant to be na lang. So, I ended up working and meant to stay dito (ABS-CBN).

 

“I’d like to think na si Lord lang talaga ang gumawa ng paraan para mag-stay pa rin ako kasi ako rin, hindi ko alam kung gagawin ko at tamang desisyon,” pagtatapat ni Tony.

 

Sa ABS-CBN nagsimula si Tony bilang contestant ng Pinoy Boyband Superstar na bagama’t hindi siya ang big winner pero siya naman ang sumikat ngayon dahil nag-concentrate na siya sa pag-arte.

 

Inamin sa amin noon ni Tony na noong pumunta sila ng mama Angel Jones niya sa Pilipinas ay walang-wala sila at nakatira sa isang maliit na kuwarto at talagang naghihigpit sila ng sinturon dahil nagsisimula palang ang binata.

 

May mga project na siya noon pero hindi sapat para makakuha ng mas malaking lugar para sa kanilang mag-ina.

 

Hanggang sa napansin na siya ng husto ng ABS-CBN sa iWant Digital movie na Glorious at dito na nagkasunud- sunod ang projects ni Tony.

 

Sa ngayon ay nagte-taping si Tony ng seryeng Bagong Umaga at naka-lock in sila sa isang hotel at sa Oktubre 30 ay mapapanood naman ang pelikula nila nina Kim Chiu at JM De Guzman mula sa Star Cinema na idinirek ni Derrick Cabrido. (Reggee Bonoan)

Other News
  • Top team na Suns at Sixers parehong pasok na sa NBA semifinals

    TINAPOS na ng Philadelphia Sixers ang kanilang serye sa Game 6 matapos na tambakan kanina sa score na 132-91 ang Toronto Raptors sa first round ng playoffs.     Dahil dito uusad na sa NBA semifinals ang Sixers na hawak ang 4-2 record.     Naging balanse sa opensa ang Sixers sa pangunguna ng MVP […]

  • Maging alerto vs COVID-19 ngayong Semana Santa – DOH

    NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na panatilihin ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ sa paggunita sa Semana Santa at ipinaalala na nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.     Kabilang sa ibinilin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang palagiang pagsusuot ng face mask, isolation kapag nakaramdam […]

  • LTO: 15-hour Theoretical Driving Course kailangan sa pagkuha ng driver’s license

    Ang mga aplikante nakukuha ng student driver’s permit ay kinakailangan munang kumuha ng 15-hour theoretical  driving course sa ilalim ng ahensya o di kaya ay sa mga accredited na driving schools simula sa August 3.   “Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring […]