• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: 15-hour Theoretical Driving Course kailangan sa pagkuha ng driver’s license

Ang mga aplikante nakukuha ng student driver’s permit ay kinakailangan munang kumuha ng 15-hour theoretical  driving course sa ilalim ng ahensya o di kaya ay sa mga accredited na driving schools simula sa August 3.

 

“Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring applicants to go through 15 hours of theoretical session first,” wika ni Galvante.

 

Ito ay ayon sa isang Memorandum No. 2019-2176 na nilabas ng LTO kung saan nasasaad na ang nasabing theoretical course ay kinakailangan matapos sa loob ng dalawang taon mula sa date ng enrollment.

 

Ayon kay Galvante ang nasabing 15-hour theoretical course ay tatalakay sa mga driving laws at regulations na ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

 

Kaya simula sa August 3, ang lahat ng LTO sites ay tatangap at mag-proseso ng mga applications para sa student permits (SP), bagong driver’s licenses, at additional Restriction Code transactions mula sa mga aplikanteng nakakuha na ng course completion certificates.

 

“All student permit applicants, including those for Foreign SPs and those with expired SPs who will be applying for new SPs beginning 03 August onwards, are required to secure the Theoretical Driving Course (TDC) Certificate,” dagdag ni Galvante.

 

Bago makapagmaneho ang isang bagong driver ay kinakailangan munang mag-apply ng student permit sa LTO na siyang pre-requisite sa pagkuha ng non-professional or professional driver’s license.

 

Para sa non-professional, ang isang aplikante ay kinakailangan munang may student’s permit bago mag-apply ng driver’s license.  Sa mga gustong kumuha ng professional license, sila ay kailangan mag-train ng five months upang makapagmaneho legally ng isang sasakyan.

 

Pinanukala ang pagkuha ng Theoretical Driving Course upang mabawasan at maibsan ang mga traffic violations at aksidente sa lansangan.

 

Nagbigay naman ng datos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may 12,000 drivers sa National Capital Region ang naitalang nagkaroon ng average na tatlong violations kadalinggo.

 

Noong nakaraang taon, mayroon kabuuhang 377,429 na traffic violators ang nahuli  ng MMDA mula January hanggang May sa pamamagitan ng non-contact apprehension.

 

Ayon din sa MMDA, may mga nahuling  272,440 na motorists na lumabag sa yellow lane policy; 41,641 para sa hindi pagsunod  sa  loading and unloading zones; 20,070  disregarding traffic signs; 12, 604 sa illegal parking; at 11,588 sa hindi pagsunod sa number coding scheme. (LASACMAR)

       

Other News
  • Omicron subvariant ‘XBB’ posibleng nasa Pinas na

    PARA sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, naniniwala siya na nakapasok na ang bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB sa bansa dahil sa maluwag na polisiya ng pamahalaan sa “border control” at pagpasok ng mga biyahero.     Sinabi rin ni Solante na hindi maaaring maisantabi na ang patuloy na pagkakatala ng mga […]

  • CPP-NPA-NDF, nasa likod ng Tinang incident

    ITINUTURONG “mastermind” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa nangyaring gulo sa pinag-aawayang lupain sa  Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 9.     Ito ang isiniwalat ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa isinagawang  special virtual press briefing ng National Task Force to End Local […]

  • ANGEL, ipinagtanggol si KRIS sa nag-aakusa na may kinuhang Marcos jewels

    IPINAGTANGGOL ni Angel Locsin ang kaibigan niya na si Kris Aquino tungkol sa akusasyon na nasa possession nito ang ilang Imelda Marcos jewels.     Sabi ni Angel kay kanyang IG post, “She can afford to buy her own jewelry with her hard-earned money thank you very much.” Kasama sa post ang ini-report ng Inquirer […]