• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRMC: Taas-pasahe sa LRT-1, epektibo na sa Abril 2

12 am – 1

INIHAYAG ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang nakatakdang pagpapatupad ng taas-pasahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) simula sa Abril 2, 2025.

Ayon sa LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang taas-pasahe ay kasunod na rin nang pag-apruba ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang revised fare matrix.
Sa isang notice na may petsang Pebrero 14, 2025, na nilagdaan ni Railways Undersecretary Jeremy Regino, inimpormahan ng DOTr ang LRMC hinggil sa pag-apruba sa bagong fare formula para sa LRT-1.
Dahil dito, ang kasa­lukuyang fare formula para sa LRT-1 ay P13.29 boarding fee at P1.21 increment per kilometer travel, ay itataas at gagawing P16.25 boarding fee at distance fare na P1.47 kada kilometro
Nangangahulugan rin ito na ang minimum fare na P15 ng LRT-1 ay magiging P20 na habang ang maximum fare na P45 para sa single ­journey end-to-trip ay tataas at magiging P55 naman. (Daris Jose)
Other News
  • Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid

    Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. […]

  • Mag-asawa, 3 pa binitbit sa P272K shabu sa Valenzuela

    TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvadro Destura Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]

  • UST at FEU may misyon

    PUNTIRYA ng University of Santo Tomas at Far Eas­tern Uni­versity na masikwat ang korona sa women’s at men’s divisions ng 2024 V-League Collegiate Challenge.   Hahataw ang Game 2 ng best-of-three finals nga­yong araw sa PhilSports Arena sa Pasig City kung saan parehong hawak ng Golden Tigresses at Tamaraws ang 1-0 bentahe sa kani-kanilang serye. […]