• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinamamadali sa NTC ang pagsusumite ng evaluation report

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa NTC para maisumite na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Aniya, umaasa siya na bago matapos ang taon ay maisusumite na ni NTC Comm. Gamaliel Cordova ang ebalwasyon nito sa mga malalaking telcos sa bansa upang malaman kung talagang nagkaroon ng pagbuti sa network services ng mga Ito.

 

Sa kabilang dako, hindi naman masabi ni Sec. Roque kung may maipasasarang telecommunication company sakaling mapatunayan na wala paring improvement sa kanilang serbisyo.

Other News
  • Zero COVID-19 positive itinala ng NBA

    Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.   Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.   Lalaruin […]

  • 126 PDLs, pinalaya ng BuCor kasabay ng paggunita sa ika- 126th PH Independence Day

    Aabot sa 126 persons deprived of liberty ang pinalaya ng Bureau of Corrections kasabay ng paggunita sa ika – 126th na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.       Ayon sa ahensya, mula ng umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, umabot sa na sa kabuuang 14,324 PDLs ang nakalaya sa mga piitan sa […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagbigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag hinggil sa COVID-19 vaccine program

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office-Public Health ng Media Literacy hinggil sa COVID-19 Vaccine Program  sa ilang mamamahayag sa Bulacan sa pamamagitan ng Google Meet kahapon.     Mahalagang hakbang ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag dahil katuwang […]