Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagbigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag hinggil sa COVID-19 vaccine program
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office-Public Health ng Media Literacy hinggil sa COVID-19 Vaccine Program sa ilang mamamahayag sa Bulacan sa pamamagitan ng Google Meet kahapon.
Mahalagang hakbang ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag dahil katuwang ang mga ito sa pagbabahagi ng impormasyon sa publiko.
Sa ngalan ni Gob. Daniel R. Fernando, sinabi ni Maricel Santos-Cruz, pinuno ng PPAO, na kinikilala niya ang mahalagang gampanin ng mga mamamayag sa pagbibigay sa publiko ng mapagkukunan ng tama at napapanahong impormasyon na magpapaunawa sa publiko ng kahalagahan ng bakuna.
Samantala, ipinirisinta ni Theresa Marie Bondoc, Health Education and Promotion Officer III mula sa DOH-Central Luzon Central for Health Development, ang 10 kailangan malaman ng lahat hinggil sa bakuna kontra COVID-19 na sumasagot sa 10 katanungan kabilang ang Bakit kailangang magpabakuna?; Anong bakuna ang gagamitin?; Libre ba ito? Sino ang unang mababakunahan?; Saan at kailan ang pagbabakuna?; Ano ang gagawin bago, habang at pagkatapos bakunahan?; Maaari na bang hindi sundin ang health protocols matapos bakunahan?; at Paano malalaman kung hindi peke ang bakunang makukuha?
Ipinaliwanag ni Bondoc na maiiwasan ng bakuna ang symptomatic at malalang impeksyon at pagkalat nito kung saan Pfizer and AstraZeneca ang mga bakunang aprubado ng FDA at nabigyan na ng Emergency Use Authorization o EUA.
“Richest countries worked and join hand in hand to expedite the research and development process of the vaccine, but that doesn’t mean na nagskip tayo ng step, masusi po itong pinag-aralan,” ani Bondoc.
Para sa prayoritasyon ng pagbabakuna, kabilang sa priority eligible group A ang frontline health workers, mahihirap na senior citizen, iba pang senior citizens, iba pang mahihirap na populasyon, at uniformed personnel; habang nasa group B ang mga guro at social workers, iba pang empleyado ng pamahalaan, iba pang manggagawa, socio-demographic na mga manggagawa at mga higit na mataas ang risk maliban sa mahihirap na senior citizens at populasyon, OFWs, at iba pang mga manggagawa; at Group C para sa mga natitira pang Pilipino.
Aniya, libre ang bakuna at parehong brand ang tatanggapin ng isang tao para sa dalawang dose na imomonitor hanggang pagkatapos ng bakuna.
“The LGUs in constant coordination with the DOH will determine the venue and time of vaccination. Pinapaalala din po na kahit mabakunahan na, kailangan pa ring sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, face shield at palagiang paghuhugas ng kamay,” paliwanag ni Bondoc.
Idinagdag pa niya na maaaring tumanggi sa bakuna ang isang tao ngunit mawawala na ito sa listahan ng mga prayoridad at mabibigyan lamang ng pagkakataon muli matapos mabakunahan ang lahat ng nasa listahan. Maaari ding ma-exempt ang mga taong may allergy sa nilalaman ng bakuna.
Matapos ang presentasyon, nakiisa rin ang mga mamamahayag sa malayang talakayan para sa ilang paglilinaw.
Ang bakuna sa COVID-19 ay naglalayong makapagbigay ng libre, epektibo at dekalidad na bakuna laban sa SARS-CoV-2, na nagbibigay prayoridad sa mga pinaka nangangailangang mamamayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pasig City Mayor Vico Sotto nagpositibo sa COVID-19
HINDI rin nakaligtas si Pasig City Mayor Vico Sotto sa banta na hatid ng COVID-19. Sa kanyang social media posts ay ibinahagi ng alkalde ang kanyang malungkot na balita nang magpositibo ito sa nasabing virus at kasalukuyang nakararanas ng lagnat, pangangati ng lalamunan, at pananakit ng katawan. Ikinuwento pa niya na […]
-
Mag-ingat sa donation scams
Pinag-iingat ni House Transportation Committee Chair and Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang publiko laban sa mga manloloko o con syndicates gamit ang nakaka-awang sitwasyon ng mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Ang babala ay ginawa ni Sarmiento matapos mabunyag na may isang grupo na gumagamit sa kanyang opisina para manghingi ng pera sa […]
-
Robert Downey Jr’s Next Comic Book Project ‘Sweet Tooth’ Drops First Trailer
AFTER his iconic role in the Marvel Cinematic Universe, Robert Downey Jr. is now the producer of the TV adaptation of the DC Comics series Sweet Tooth. The first trailer for his newest project Sweet Tooth just dropped, an adaptation of a DC comic which he is executive producing for Netflix with his wife Susan Downey and their production company […]