• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF technical working group, pag-uusapan na kung dadagdagan ang listahan ng ‘travel ban’

Nakatakdang magpulong ngayong Lunes ang technical working group ng mga ahensyang miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay ng posibilidad na pagpapataw ng travel ban sa iba pang bansa na nag-ulat ng bagong COVID-19 variant.

 

“Ngayong hapon, may technical working group meeting ang IATF, yung mga Technical representatives will be discussing this additional list and what would be the government response aside from the additional countries to be included in the restrictions for travel,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

Pahayag ito ng opisyal matapos madagdagan ang bilang ng mga bansang may bagong variant ng coronavirus disease na unang kumalat sa United Kingdom.

 

Ani Vergeire, isa sa mga nagiging hamon sa kanilang hanay ngayon ay ang pag-kumpirma sa mga ulat dahil hindi pa naglalabas ng opisyal na anunsyo ang pamahalaan ng ibang estado.

 

“Mayroon kami ngayong anim na countries na mayroon na tayo from their government website we were able to get confirmation but through the focal point wala pa kaming nare-receive any response kaya we are having a hard time confirming especially the other countries.”

 

Kamakailan nang magpatupad ng travel ban ang Pilipinas mula sa foreign travelers ng UK, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, at Spain.

 

Pinaka-huling isinama sa listahan ang Amerika.

 

“Isa sa nagiging delays or challenge we are facing would be the confirmation from specific countries.”

 

Ayon sa British health experts, mas nakakahawa ang bagong variant ng sakit. Pero wala pang ebidensya na mas nakamamatay ito kumpara sa variant na unang kumalat sa mga bansa.

 

Batay sa tala ng DOH, umabot na sa 477,807 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Other News
  • GAMOT SA ‘PINAS

    SA Pilipinas, maraming mahihirap na maysakit ang hindi makabili ng gamot dahil sob-rang mahal na kung mamalasin ay namamatay nang hindi nakatikim ng gamot o maski naipasok sa ospital.   Dahil sa kawalan o kakulangan ng perang pambili ng gamot, idinaraan na lamang sa tapal-tapal ng mga albularyo ang sakit na sa halip gumaling ay […]

  • 500 pang traditional jeepneys sa 4 na ruta sa NCR makakabiyahe na sa Oct. 30 – LTFRB

    DAGDAG pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30.   Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta: […]

  • PBBM pinarerebyu ang disaster response

    NAIS  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.     Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong […]