• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

82 iba pa nais sa Olympics

NASA  83 national athletes ng 19 National Sports Associations (NSAs) , sa pangunguna ni 30th Southeast Asian Games PH 2019 Women’s Taekwondo gold medalist Pauline Louise Lopez ang mga sasabak sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa pagnanais na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng Hulyo 2021 sanhi Covid-19.

 

 

Inihayag kamakalawa Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na grupo karamihan ay sasailalim na sa mga bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City at New Clark Sports Hub sa Capas, Tarlac habang iba’y mga nasa ibayong dagat.

 

 

Idinagdag pa ng opisyal na balak ng government sports agency na ipadala sa iba’t ibang OQTs ang 29 na atleta at coaches mula sa tatlong combat sports na taekwondo, boxing at karate makaraan ang 90 na araw na Calambubble training camp sa Laguna.

 

 

Gagastusan ang 16 katao ng boxing ng P2M habang ang karate na may walo popondohan ng P1.5M at taekwondo ay may lima na gagastahan ng P1M sa bubble training. Para ang halaga sa  room at lodging, meals, snacks, gym rentals at paggamit sa mga pasilidad.

 

 

Ang iba pang mga manlalaro na pa-OQT ay sina karetakas Jamie Christine Lim at Joane Orbon, judoka Junna Tsukii, weightlifter Hidilyn Diaz, marathoner Christine Hallasgo at iba. (REC)

Other News
  • Sen. Cayetano tumanggi na hatian sa dalawang panukala ang CREATE bill

    IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang corporate income tax reform bill dahil posible raw na pahinain nito ang Kongreso bilang isang institusyon.   Layunin kasi ng Corporate Recover and Tax Incetives for Enterprise (CREATE) bill na bawasan ang corporate income tax rate mula 30 percent ay gagawin itong 25 […]

  • NBA DRAFT MAGIGING VIRTUAL NA

    MAGIGING virtual fashion na ang gagawing NBA draft para sa 2020-2021 season.   Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, gagawin ito sa ESPN studio sa Bristol, Connecticut sa darating na Nobyembre 18.   Makakasama ni Silver si NBA deputy commissioner Mark Tatum para ianunsiyo ang mga selections sa una at pangalawang rounds.   Ang mga […]

  • Lumalalang health care utilization sa labas ng NCR plus

    HANGGANG ngayon ay wala pa namang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay nila sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa.   Ang paglobo […]