Lumalalang health care utilization sa labas ng NCR plus
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
HANGGANG ngayon ay wala pa namang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay nila sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa.
Ang paglobo ay nasa NCR Plus kaya’t ang response concentration nila sa kasalukuyan ay nasa mga area na nasa ilalim ng Metro Manila plus.
“Sa ngayon po binabantayan naman natin ang datos at wala pa naman pong ganoong conclusion ang nakikita natin ‘no. Ang talagang paglobo po ng mga kaso ay nandito sa NCR Plus at kaya nga po ang response natin dito muna sa NCR Plus. Pero as I said po, binabantayan din natin ang mga kaso sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Pero so far po, nothing as bad as what we are seen in NCR Plus,” ayon kay Sec. Roque.
Para naman kay DILG Undersecretary Bernie Florece ay inihayag nitong sa siyensa nakabase ang anumang magiging konklusyon at base na din sa available data.
Kaya maaga pa aniyang sabihing may posibilidad na magkaroon ng expansion ng strict quarantine mula NCR Plus at maging Luzon-wide ito.
“Mayroon tayong pinagbabatayan, ito ay nakabase sa siyensya na base ito sa available data ‘no. Mayroon tayong mga experts na nag-aral nito at sila ang nagri-recommend sa IATF. Ngayon pagdating sa IATF ay ito naman ay pinagdidebatehan, hindi naman iyong porke gusto natin na ilagay ito sa isang classification ay gagawin na natin ‘no. Ito ay pinag-aaralang mabuti ‘no. So ito ay nakabase sa siyensya at sa mga datos,” ayon kay Florece. (Daris Jose)
-
Everyone’s Favorite Feline Returns In “Puss in Boots: The Last Wish’
THIS holiday season, everyone’s favorite leche-loving, swashbuckling, fear-defying feline returns. For the first time in more than a decade, DreamWorks Animation presents a new adventure in the Shrek universe as daring outlaw Puss in Boots discovers that his passion for peril and disregard for safety have taken their toll. A hero […]
-
PBBM, Unang Ginang Liza Marcos pinangunahan ang inagurasyon ng “showcase area” ng Pasig River urban development project sa Maynila
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pagpapasinaya sa showcase area ng Pasig River urban development project sa Maynila. Sakop ng showcase area ang mahigit sa 500 metro, sa likod ng Manila Central Post Office building, ay bahagi ng “initial phase” ng komprehensibo, multi-agency urban renewal project […]
-
Bagong programa nila ni Kuya Poy, maagang pamasko: LAILA CHIKADORA, may ‘shoutout’ sa nagalit na manager ni PIA
MAY handog na “12 Gifts of TRUE Christmas” ang newly-awarded Best Radio Station ng bansa, ang Radyo5 TRUE FM, bilang maagang pamasko para sa mga listeners. Sisimulan ito sa launch ng mga bagong programang layunin ang maging safe space ng mga listeners para sa mga heartfelt conversations at mga payo mula sa mga […]