• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P.4M droga, nasamsam sa 2 high-value individuals sa Caloocan

MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang high-value individuals (HVIs) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
          Nakatanggap ang mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities nina alyas “Pade”, 58, at alyas “Arnold”, 62, kapwa residente ng Brgy. 176 kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
          Nang positibo ang report, ikinasa ng DDEU ang buy bust operation kontra sa mga suspek, sa koordinasyon sa PDEA.
          Dakong alas-11:34 ng gabi nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek matapos magsabwatan na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Phase 8, Package 5, Barangay 176.
          Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 at buy bust money.
          Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
          Pinuri naman ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang DDEU. “We are fully committed to aggressively pursuing drug syndicates and dismantling their networks. Our fight against illegal drugs will continue until our communities are free from this menace,” diin niya. (Richard Mesa)
Other News
  • Ads February 6, 2025

  • Nagbebenta ng smuggled na sibuyas, ipagsasakdal, pananagutin sa batas- DA

    NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa mga nagbebenta ng  smuggled o pinuslit na sibuyas sa  online o sa mga pamilihan na ipagsasakdal sa paggawa nito.     Ang paliwanag ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez, hindi sila nagpalabas ng permit para mag-angkat ng  white onions o puting sibuyas.     Ang mga mahuhuli naman […]

  • Duterte at BI Com Jaime Morente, inaasahang maghaharap

    INAASAHANG magkaka-face-to-face sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa gitna ng naungkat na bribery scandal sa ahensiyang pinamumunuan nito.   Posibleng mangyari ang paghaharap ng dalawa sa susunod na cabinet meeting kung saan ay nais mismo ng Pangulo na malaman ang pagpapatakbo ni Morente sa Immigration Bureau.   Ayon […]