• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bato hindi puwedeng arestuhin sa Senado – Chiz

HINDI maaring arestuhin sa loob ng Senado si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung mayroong sesyon.
Ayon kay ­Senate President Francis “Chiz” Escudero, maaaring manatili sa Senado si Dela Rosa hanggang maubos nito ang mga “legal remedies” na makapipigil sa pag-aresto sa kanya.
Pero agad ding nilinaw ni Escudero na wala pa namang natatanggap na arrest warrant ang Senado mula sa International Criminal Court o ICC.
Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na hihingi siya ng proteksyon sa Senado sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Binanggit naman ni Escudero ang mga nakaraang kaso ng mga senador na nagkanlong sa Senado sa gitna ng warrant of arrest laban sa kanila.
“Hindi nakabase sa batas pero nakabase sa tinatawag na institutional courtesy—hindi papayagan ng Senado [na] arestuhin ang sinumang miyembro niya sa loob ng Senado lalo na kung may sesyon,” ani Escudero.
Sinabihan din ni Escudero si Dela Rosa na tutulungan ito ng Senado sa mga kailangang ­remedyong legal sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC.
(Daris Jose)
Other News
  • IVANA, matunog na matunog at kasama rin sa hula sina DENISE at JANELLA na posibleng maging ‘Valentina’

    MAKIKILALA na ngayong araw kung sino ang napili para sa iconic villain role na si Valentina sa Darna: TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon.     Matunog na matunog nga ang pangalan ni Ivana Alawi at may nagwi-wish na sana ay si Denise Laurel na isang magaling na aktres at type din nila […]

  • Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga  warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation.  Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong […]

  • Cayetano tiniyak kay Duterte aagahan ang approval sa budget; nag-sorry sa idinulot na ‘anxiety’

    TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa taongbayan na sa kabila ng ingay sa girian sa speakership post sa Kamara ay aaprubahan nila “on time” ang 2021 proposed P4.5-trillion national budget.   Sinabi ito ni Cayetano matapos na magbanta si Pangulong Duterte sa Kamara na ayusin ang panukalang pondo […]