• March 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sigaw ni Mayor Baste na sini-single out ang pamilya Duterte, ipinagtataka ng Malakanyang  

IPINAGTATAKA ng Malakanyang ang patutsada ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na sini-single out ng administrasyong Marcos ang pamilya Duterte matapos nitong tulungan ang International Criminal Police Organization (Interpol) na arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte dahil sa crimes against humanity na nakasampa laban dito sa International Criminal Court (ICC).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na ang warrant of arrest na pinahintulutan ng gobyerno na maisilbi ay para kay Digong Duterte at walang iba pang mga co-perpetrator na nakasama sa arrest warrant.

“Kapag ba sini-single out ibig po ba sabihin gusto niya mas marami pa ang madamay? Tandaan po natin, sa warrant of arrest ang dating Pangulong Duterte ay dinescribe [describe] bilang indirect co-perpetrator. So, ang nais niya po ay dapat hindi lang ang ama niya ang maaresto dahil may mga diumano pang kasabwat,” ang sinabi ni Castro.

“Well, anyway ang ibig pong sabihin nito, gusto naman po niyang iparating sa taumbayan na kawawa na naman po ang mga Duterte dahil sini-single out. Ang warrant of arrest po ay para lamang po kay dating Pangulong Duterte wala pa po ang ibang mga co-perpetrators na nakasaad doon. So, hindi po tayo makakaiwas na si dating Pangulong Duterte lamang po ang i-surrender sa ICC,” aniya pa rin.

Dapat aniyang tandaan ng lahat na ang kasong crimes against humanity ay naisampa sa panahon mismo ng panunungkulan ni dating Pangulong Duterte at hindi sa panahon ngayon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Umalis lamang aniya ang Pilipinas sa ICC para iwasan na masampahan ng kaso ang mga kinalaman sa madugong war on drugs.

“Tandaan natin bakit nagsampa sa ICC because, sa ICC po hindi po kinikilala ang immunity from suit kaya ito naisampa sa ICC.

So, walang sini-single out dito. Ang nangyayari dito, iyong mga kasong tungkol sa crimes against humanity kagagawan din po ng kaniyang ama na ibinibintang sa kanila,” ang sinabi pa rin nito.

Nauna rito, sa Facebook live ni Baste Duterte, sinabi nito na mahirap ang kanilang sitwasyon ngayon dahil parang sini-single out sila ni Pangulong Marcos at target sila ng administrasyong Marcos.

Samantala, pinabulaanan naman ni Castro na diversionary tactic ang ginawang pag-aresto kay Digong Duterte para di umano makalimutan ng publiko ang issue sa PhilHealth at GAA 2025.

“Ang PhilHealth po ay madali natin mai-explain. Bago nga po nangyari po ito ay nakausap po natin…katulad ng ipinangako ko sa inyo bago po nangyari itong pag-aresto at pag-surrender kay dating Pangulong Duterte ay kakausapin mismo natin ang taga-PhilHealth. Mayroon na po kami, hindi lamang po namin ipinapalabas ngayon dahil nga po ang issue ngayon ay patungkol po dito sa ICC at baka hindi po maintindihan ng tao kapag ibang issue ang pinag-uusapan pero madali pong i-explain kung ano pong nangyari sa PhilHealth; at iyong tungkol po sa GAA, hayaan po natin dahil ang sabi po natin, sumusunod tayo sa principle – enrolled bill principle,” ang paliwanag ni Castro.

“So, walang diversionary tactic dito, diversionary issues na pag-uusapan, bakit? Nangyayari lamang po eh, ito po ay nangyayari, day-by-day may nangyayaring new. So, hindi po diversionary tactic ito,” diing pahayag ni Castro. (Daris Jose)

Other News
  • Pdu30, tinintahan ang isang EO na lilikha sa National Amnesty Commission

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang executive order na lilikha sa National Amnesty Commission (NAC).   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang komisyon ay kinabibilangan ng pitong miyembro kabilang na ang chairperson at dalawang regular members na itatalaga ni Pangulong Duterte.   Ang mga pinuno ng Department of Justice, Department of […]

  • PBBM, nais na kumambiyo palayo mula sa car-centric system: Mass transit is key

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumambiyo palayo mula sa transportation system na nakasentro sa pribadong sasakyan. Inamin ni Department of Transportation (DOTr) chief Vivencio “Vince” Dizon na ang kasalukuyang transportation system sa bansa ay masyadong “car-centric.” “Absolutely, it’s true. In the past the solution to traffic has always been building roads, the problem with […]

  • Psalm 5:3

    O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch