• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI tulak, kasabwat nalambat sa Caloocan drug bust

LAGLAG sa selda ang dalawang drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

          Sa ulat, nagpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga opertatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Ronron”, 24, driver ng Brgy. 145.

          Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng DDEU na nagpanggap na buyer, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.

          Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang mga operatiba ng DDEU saka dinamba ang suspek, kasama ang kasabwat na si alyas “Drey”, 20, sa Mapayapa St., Brgy. 145 dakong alas-2:42 ng madaling araw.

          Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P340,000 at buy bust money.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PCol. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang hindi natitinag na dediskayon ng DDEU. “We are fully committed to aggressively pursuing drug syndicates and dismantling their networks. Our fight against illegal drugs will continue until our communities are free from this menace,” giit niya. (Richard Mesa)

Other News
  • China nagpadala ng 27 barko sa West Philippine Sea

    HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.     Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.     Napaulat na […]

  • Experience ‘The Electric State’, a gripping adventure starring Millie Bobby Brown and Chris Pratt

    GET ready to be electrified! From the visionary directors of Avengers: Endgame comes The Electric State, a breathtaking adventure set in an alternate 1990s where the past and future collide. Starring Millie Bobby Brown, Chris Pratt, and Stanley Tucci, this retro-futuristic film debuts on Netflix March 14.     In The Electric State, humanity grapples […]

  • Rafael Nadal umatras na sa semis ng Wimbledon dahil sa injury

    TULUYAN  nang  umatras si tennis star Rafael Nadal sa semifinals ng Wimbledon.     Ito ay dahil sa dinararanas niyang abdominal injury.     Dahil dito ay tiyak na ang pagpasok sa finals ng kanyang katunggali na si Nick Kyrgios na makakaharap sa sinumang manalo sa pagitan nina Novak Djokovic at Cameron Norrie ng Britanya. […]