• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiniyak ng Malakanyang: PhilHealth, inalis na ang 45-day benefit limit

INALIS na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang 45 -day benefit limit para matiyak na ang mga serbisyo ng ahensiya ay mananatiling walang hadlang.

Ito ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay alinsunod na rin sa bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, sinabi ng pamunuan ng PhilHealth, maraming mga serbisyo ang kinakailangan ng higit 45 days na coverage gaya nga lamang ng hemodialysis.

“The 45-day benefit limit is an outdated cost-containment strategy. Naiintindihan natin kung bakit ito inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito,” ang sinabi naman ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Edwin Mercado.

Winika pa niya na ang panganagilangang medikal ay ” cannot always be predicted or scheduled.”

“Marami ring mga serbisyo ang kinakailangan ng higit sa 45 days na coverage. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa PhilHealth Board for approving this policy update,” ang sinabi pa rin nito.

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pag-aalis ng 45-day benefit limit sa pagsagot sa medical services partikular sa ilang mga kondisyon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na tiyaking hindi maaantala ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.

Ayon kay PhilHealth Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado, ang 45-day limit ay isang lumang cost-containment strategy na hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.

“Naiintindihan natin kung bakit ito inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito. We cannot always predict or schedule our medical needs,” paliwanag ni Dr. Mercado.

“Marami ring mga serbisyo ang kinakailangan ng higit sa 45 days na coverage. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa PhilHealth Board for approving this policy update,” dagdag niya.

Bagaman inalis na ang 45-day limit, binigyang-diin ng state health insurer na ang pag-avail ng benepisyo ay dapat nakabatay sa mga sumusunod:

– Medical necessity at tamang treatment plan

– Mga itinakdang Clinical Practice Guidelines (CPGs) ng DOH at PhilHealth

– Quality standards na nakasaad sa PhilHealth Circulars

Samantala, bago pa ang pag-alis ng limitasyong ito, pinalawak na rin ng PhilHealth ang hemodialysis package mula sa 90 sessions patungong 156 sessions.

Sa ngayon, mas maraming pasyente ang makikinabang sa walang limitasyong bilang ng araw ng pagpapaospital na kinakailangan para sa kanilang kalusugan. (Daris Jose)

Other News
  • LOUISE, nagtiwala sa direktor kaya napapayag sa love scene nila ni DIEGO

    NAGPA-BOOSTER shot na rin si Bea Alonzo at pinost niya ang photo sa kanyang IG account at mayroon din siyang ni-reveal.     Caption ni Kapuso actress, “Got boosted last night!   “The start of this year was challenging. I caught covid early January (just like most people because of the covid surge), And at […]

  • Cash incentive para sa olympic gold medalist

    Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games.     Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng […]

  • Panukalang “foundling welfare act”, pasado sa huling pagbasa sa Kamara

    NAGKAKAISANG ipasa sa huling pagbasa ng kamara ang House Bill 7679 o ang “Foundling Welfare Act.”   Layunin ng panukala na itaguyod ang mga karapatan ng mga ulila o abandonadong kabataan na walang pagkakakilanlang mga magulang at pangalagaan ang kanilang mga estado bilang natural-born Filipino citizens, at parusahan ang sinumang aabuso sa kanilang mga kapakanan. […]