• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa nalalapit na Miss Universe PH:  BIANCA, handang-handa nang kalabanin sina WINWYN at AHTISA

SI Bianca Ysabella Rei Olay Ylanan ang panglaban ng lalawigan ng Quirino sa nalalapit na Miss Universe Philippine beauty pageant.
At sa nabanggit na patimpalak, ilan sa mga makakatunggali ni Bianca ay ang mga datihan ng title holders tulad nina Winwyn Marquez (2017 Reina Hispanoamericana) at Ahtisa Manalo (2018 Miss International 1st runner-up).
Kaya tinanong namin si Bianca, na unang beses pa lamang sasali sa isang beauty contest, kung ano ang masasabi niya na ang mga makakalaban niya ay masasabing beterana na sa beauty pageants?
Sabi niya, “I think as much as it has been intimidating at first especially when I haven’t seen them… but as soon as I met them, they’re so welcoming, they’re so… they’re nothing but such big sisters.
“They’re like, ‘Whatever you need, whatever you like, do you need a mirror? Do you need a touch-up?’
“They’re always there, and I think when I look at it from an outside perspective, not as a beauty queen with them, I’m in the competition for a reason, and I have a lot to prove.
“I think all of us have the same chance to win, it’s one out of 69, and if that could be me, I’ll pursue that role.”
Ano ang masasabi niya tungkol sa mga bagong pageant rules na pinapayagang sumali ang mga kandidata na may anak, may asawa, mga transgender women at ang pag-aalis ng age at height requirement.
“I think that’s what makes it more powerful as a woman because like I mentioned before, we’re not just who we are now, like I’m not just a 25-year-old laboratory medical scientist,”, sagot niya.
“Being a woman is evolving into being a mother, to being a good partner, into having… like Miss Quirino before, she had three kids, and she still really did her role well.
“Our age, marital status does not stop us to pursue our dreams, and you can see this with the 68 other delegates as well.”
Bukas pa si Bianca sa pagpasok sa showbiz pagkatapos ng Miss Universe Philippines pageant?
“I’ve always been the kind of person who plans five years ahead, so when I went to university, it was okay, laboratory scientist, and then maybe medicine after.
“But now that I have this new world that opened up, I’m really open to anything.
“And if I were to go into showbiz and have my first male lead, I’m gonna be honest, I haven’t really been looking at men the same way as now that I have a partner, because they’re all just like, okay, here’s a man, cool.
Like there’s no one…no one’s more guwapo, no one’s nicer, no one’s more lovable as my partner,” at tumawa si Bianca na may Australian boyfriend sa kasalukuyan, “so I can’t answer that question. Sorry.”
Twenty-five years old si Bianca mula sa Maddela, Quirino at nag-aral sa Dominican School at UST Junior and Senior High School under STEM strand.
Nakapasa si Bianca na mag-aral ng Bachelor of Science in Laboratory Medicine sa University of Tasmania sa Australia noong 2020, pero dalawang linggo lamang ang nakalilipas ay nagkaroon na ng COVID lockdown.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • From ‘dad bod’ hot na naman sa six pack abs: PAULO, maraming napahanga sa laki ng transformation ng katawan

    ANG galing ni Paulo Avelino dahil ang laki ng transformation ng katawan niya.   Kitang-kita ang malaking kaibahan ng katawan niya noong ginagawa pa lang niya ang hit serye nila ni Kim Chiu, ang ‘Linlang.’ Walang hindi magsasabi na “beer bod” o “dad bod” ang buong ningning na nakita kay Paulo do’n.   At makikita […]

  • Lebron James, pinalawig ang kaniyang excused absence

    Pinalawig pa ni Lakers star Lebron James ang kanyang excused absence.       Pagkatapos ito ng hindi paglalaro sa unang game ng season noong nakaraang Linggo dahil sa sore foot at ngayon ay hindi rin maglalaro laban sa Memphis Grizzlies sa Crypto.com Arena, Los Angeles, California.     Nababahala ang ilang miyembro ng Lakers […]

  • Presyo ng harina posibleng tumaas

    POSIBLENG magkaroon ng pagtaas ng presyo ng harina sa bansa.     Ayon kay Philippine Association of Flour Millers executive director Ric Pinca, na ilan sa mga factors kaya tumaas ang kanilang presyo ay ang patuloy na giyera sa Ukraine at Russia, tag-tuyot sa US at ang export ban sa India.     Paliwanag nito […]