• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: National standards sa paggamit ng iisang payment systems sa lahat ng transport modes inaayos

Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng nationwide standards specifications para sa fare media at transit readers para sa planong “nationwide interoperable automated fare collections systems (AFCS)” sa lahat ng transport modes.

 

“We are formulating and finalizing the release of the AFCS National Standards to ensure interoperability and mutual trust among multiple automatic fare collection players and systems,” ayon sa DOTr.

 

Ayon sa DOTr, isa sa  mga plano sa AFCS National Standards ay ang paggmit ng EMVCo contactless specifications.

 

Sa ngayon, halos lahat ng mga Filipinos ay may bank accounts na may EMVCo cards tulad ng debit o credit cards na kanilang ginagamit sa pagbili ng mga goods na maaari din nilang gamitin sa pagbabayad kung sila ay sasakay sa mga iba’t ibang klase ng transportation modes. Ginagamit na ang ganitong paraan sa ibang bansa tulad ng Bangkok at Singapore.

 

Noong nakaraang October 2020, ang DOTr at Land Bank of the Philippines (LBP) ay lumagda sa isang kasunduan upang gumawa ng isang pilot production test para sa EMVCo contactless payment media.

 

“In an initial activity of the pilot production test is the conduct of a demonstration last Dec. 18, wherein the functions of the validator/transit readers accepting and processing fare media in three public utility vehicle routes were showcased. The use of this technology in the transit system expands the fare media the public can use,” dagdag ng DOTr.

 

Sinabi rin ng DOTr na ang sistemang ito ay makakasiguro na magbibigay ng isang matiwasay na option sa pagbabayad ng mga pasahero, mas maganda at komportableng sistema at upang mabawasan rin ang card-issue at management costs para sa mga transit operators.

 

Dagdag pa ng DOTr na ang kanilang ahensiya ay may mithiin na ipatupad talaga ang nationwide interoperable AFCS sa lahat ng transport modes.

 

Dahil na rin sa pandemic, ang mga ahensiya sa ilalim ng DOTr ay nagsimula na rin na magpatupad ng technology-based at data-driven innovations sa mga pag proseso ng mga dokumento upang mabawasan ang face-to-face transactions at upang makapagbigay din ng isang epektibo at magandang serbisyo sa publiko.

 

“These include the shift to electronic and contactless payment systems such as AFCS and RFID tags in tollways, online processing of transactions, and electronic booking and ticketing, among others,” saas ng DOTr.  (LASACMAR)

Other News
  • Workers ng Honda nag-rally, alalay ng gobyerno aasahan

    KINALAMPAG ng mga manggagawa ng Honda Cars Philippines Inc. ang Japanese Embassy sa Pasay City kahapon (Lunes, Pebrero 24) matapos ianunsiyo noong weekend ang plano ng Honda na isara ang planta nito sa Sta. Rosa, Laguna.   Nag-vigil sa loob ng planta ang ilang mga manggagawa ng Honda noong Sabado nang ianunsiyo sa kanila ang […]

  • Jarencio may tagubilin sa magiging UST coach

    HANGGANG presstime nitong Huwebes ng hapon, nananatiling wala pang kapalit sa nagbitiw at naban na si Aldin Ayo para sa coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team Growling Tigers para sa 83 rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21.   Kaya magpanggang ngayon hulaann pa rin kung sa magiging bagong bench […]

  • 5 milyong Pinoy jobless noong 2020

    Tinatayang 5 milyong Pilipino ang nawalan ng kanilang hanapbuhay noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19.     Pero mas mababa ito kumpara sa datos ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing nasa 12.7 milyong Pinoy na ang nawalan ng trabaho sa ikaapat na quarter ng 2020.     “Ang record namin as […]