Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
MULING nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain.
Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.
Sinasabing ito ang unang pagkakataon na hindi nakadalo si Pope Francis sa isang major papal event buhat nang mailuklok ito bilang Catholic pontiff noong 2013.
Gayunman, hindi nagpakita ng anumang senyales ng sakit ang Santo Papa sa pangunguna nito sa okasyon.
“Life today is governed by war, by enmity, by many things that are destructive. We want peace. It is a gift,” wika ni Francis.
“The painful events that marked humanity’s journey last year, especially the pandemic, taught us how much it is necessary to take an interest in the problems of others and to share their concerns,” dagdag nito.
Karaniwang ibinibigay ang noon blessing mula sa isang bintana kung saan matatanaw ang St. Peter’s Square, ngunit inilipat ito sa loob para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao at mapigilan ang hawaan ng COVID-19.
Sumentro rin ang okasyon sa mga pahayag ng Santo Papa sa Yemen.
“I express my sorrow and concern for the further escala- tion of violence in Yemen, which is causing numerous in- nocent victims,” ani Francis. “Let us think of the children of Yemen, without education, without medicine, famished.”
-
Mister todas sa kandila
NASAWI ang 59-anyos na padre-de-pamilya na may tinataglay na karamdaman nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Navotas City, Sabado ng madaling araw. Sa ulat ni Caloocan Fire Marshal F/Supt. Ronaldo Sanchez, nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas-3:49 ng madaling araw sa bahay ng biktimang si alyas “Peter” sa Area 1 Block 26, […]
-
2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na
SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall. Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]
-
Dela Pisa, Labanan dumale ng silver medal sa Budapest
PAREHONG sumungkit ng silver sina national women’s artistics gymnasts Daniela Dela Pisa at Breanna Labadan sa kawawakas na Gracia Cup Budapest sa Hungary. Sang-ayon nitong Martes kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, ang partisipasyon ng dalawang atleta sa torneo nitong Pebrero 19-20, ang bahagi ng paghahanda nila para sa […]