• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang

Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.

 

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” sabi ni Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na hindi maaaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

 

Pero kailangan aniyang lumagda sa isang waiver ang ayaw magpaturok lalo na kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na tuturukan.

 

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna,” ani Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na hindi naman makokontrol kung ano ang darating na bakuna kaya hindi maaa­ring mamili.

 

“So tama lang naman po ’yan, walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito,” sabi ni Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, ipinaubaya sa Comelec ang desisyon

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon hinggil sa panukalang palawigin ang mail voting sa 2022 presidential elections.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang Comelec bilang constitutional body na may atas na ipatupad ang batas at regulasyon sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa.   Sa ulat, isinusulong […]

  • 804 Valenzuelano PWD at pedicab drivers, natanggap sa TUPAD

    AABOT sa 804 Valenzuelano persons with disability at pedicab driver ang pumirma ng kontrata bilang pinakabagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Valenzuela City.     Sa pamamagitan ng tanggapan ni First District Representative REX Gatchalian, at sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang REX Serbisyo Center ay […]

  • Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin

    Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.     Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin […]