• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon

Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman ng Brgy. Hulong Duhat.

 

Sa report nina police investigators PSSg Jose Romeo Germinal at PCpl Michael Oben, dakong 3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa likod ng bahay ng biktima sa No. 3 Florante St. Brgy. Hulong Duhat.

 

Lumabas sa imbestigasyon na abala sa paglilinis ang biktima sa likod ng kanyang bahay nang pumasok ang dalawang hindi kilalang gunaman sa likod na gate at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan si Velasquez.

 

Matapos ang insidente, naglakad patungo sa kanilang kasama na nagmamaneho ng kanilang gateway motocycle bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang pamilya sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

Kaagad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng SS7 sa pangunguna ni PLT Edgardo Magnaye subalit, nabigo sila na mahuli ang mga suspek habang narekober sa crime scene ng 11 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

 

Ipinag-utos na ni Col. Rejano sa kanyang mga tauahan ang masusing imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen. (Richard Mesa)

Other News
  • Kilig na kilig ang aktres at siguradong iiyak nang husto: JOMARI, pangarap na makitang ‘walking down the aisle’ si ABBY

    INAMIN ng aktor/car racer at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana na nasa plano na niya na pakasalan si Abby Viduya.     Ayon kay Jom, matagal na nila itong napag-uusapan na kanyang beautiful pa rin na partner.     Natanong nga ang celebrity couple sa media con ng Paeng Nodalo Memorial Rally na […]

  • ‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

    Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]

  • Filipinas nabigo sa Thailand 1-0, nasa pangalawang puwesto ng Group A

    NABIGO  ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa kamay ng Thailand 1-0 sa 2022 AFF Women’s Championship.     Dahil dito ay nasa pangalawang puwesto na lamang ang Filipinas sa Group A at nasang unang puwesto ang Thailand sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.     Tiyak na rin […]