• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.

 

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.

 

“Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less 20 million doses para sa AstraZeneca,” wika ni Galvez kahapon.

 

Sinabi rin ni Galvez na hindi nahuhuli ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna.

 

Ang tripartite supply agreement ay sa pagitan ng national government, local government units at gumagawa ng bakuna.

 

“After the signing tomorrow, magkakaroon ng tripartite supply agreement na pi-pirmahan ng national govern­ment, LGU (local government units), at vaccine maker. Ang res­ponsibility ng LGU ay to administer the vaccines,” ani Galvez.

 

Ang iba pang kakailanganing suplay para sa pagbabakuna ay kasama na aniya sa responsibilidad ng LGUs, national government at pribadong sektor.

 

“Iyong supply chain requirement, syringe, lata ng consumables, integrated po ang efforts ng LGUs, national government, at private sector. Kung ang isang LGU po ay 30% lang ang mabibili (na bakuna gamit ang kanilang budget), national govern­ment po ang magpupuno nung 70%,” ani Galvez.

 

Noong Nobyembre, ilang local firms ang pumirma sa kasunduan para sa pagkuha ng nasa 2.6 milyong doses ng bakuna mula sa AstraZeneca. (Daris Jose)

Other News
  • ‘I’m 100 percent sure, Pacquiao cannot knock me out’ – Ugas

    Nagyabang ang Cuban WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas na hindi siya kayang patumbahin lalo na ng Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao.     Ayon kay Ugas, 35, matagal na panahon na siyang pinanday sa pagboboksing lalo na noong siya ay nasa amateur boxing pa lamang.     Ginawa ni Ugas ang […]

  • Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

    Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.     “The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.   […]

  • Kelot na problemado sa relasyon sa ka-live-in, may arrest warrants, nagbigti, todas

    MATAPOS ang dalawang araw na pagkaka-comatose sa pagamutan, binawian ng buhay ang isang lalaking akusado sa pagnanakaw at problemado sa relasyon sa kanyang live-in partner makaraang magbigti sa Navotas City.     Alas-3:28 kamakalawa ng hapon nang ideklarang patay ng mga doktor sa Navotas City Hospital ang 29-anyos na biktima na naunang nadiskubre ng kanyang […]