• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating

SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca.

Sa 2022 pa ani Roque ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin.

Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit suwerte na kung may makuhang kaunting bilang nito.

“Naku po talaga po, suwerte na tayo kung makakuha tayo ng kaunting supply ng AstraZeneca sa July, pero karamihan po ng deliver ng AstraZeneca ay 2022 pa. Kung kayo naman po ay malusog at handang mag-hintay, pupuwede po iyon. In fact, karamihan nang delivery sa mga LGUS, 2022 pa po iyon,” ani Sec. Roque.

 

Kaya nga ang paalala ni Sec. Roque, mas maiging hanggat maaga ay makabubuting magkaruon na ng proteksiyon lalo na’t may bagong variant na ng COVID 19.

 

Aniya pa, mayorya ng LGU dito sa Kalakhang Maynila ay lumagda na ng agreement sa nasabing British-Swedish pharmaceutical firm gayundin ang pamahalaan ng Antipolo, Baguio, Dagupan, Vigan, Bacolod, Iloilo at Ormoc.

 

“Ang pagbababala po natin, eh isipin po ninyo ay mayroong new variant na mas nakakahawa. Bagama’t ito nga po daw ay hindi mas seryoso kaysa sa ordinaryong variant, hindi po natin masasabi. Kaya kung ako kayo, walang palitan ay magpabakuna na ano, dahil mas mabuti na iyong may proteksiyon kaysa doon sa wala,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘Sports Summit 2021 napapanahon upang pag-usapan ang hamon sa mga atleta’

    Binuksan ngayon ang National Sports Summit 2021 na naglalayong makabalangkas ng mga polisiya para sa mga atletang Pinoy sa panahon ng pandemya.     Ang summit ay ginaganap anim na buwan bago naman ang Tokyo Olympics kung saan hanggang sa ngayon ay pangarap pa rin ng Pilipinas ang kahit isang gold medal sa Olimpiyada.   […]

  • Nurses, health workers nagbanta ng mass resignation

    Nagbanta ang mga nurses at healthcare workers na magsasagawa ng ‘mass resignation’ kung patuloy na hindi nila matatanggap ang ‘special risk allowance’ mula sa Department of Health (DOH).     Ayon kay Filipino Nur­ses United (FNU) president Maristela Abenojar, tototohanin na ng mga nurses partikular sa mga pribadong pagamutan ang banta na mass resignation dahil […]

  • PBBM, muling nanawagan kay Cong. Teves na umuwi na ng Pinas

    PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa  pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.     “Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong  Marcos bilang […]