• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Orbon namemeligro sa WOQT

MABIGAT ang kinakaharap ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim sa pagparito mula Estados Unidos ni Filipina-American Joan Orbon upang sumama sa national karate team sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.

 

Dahilan ito sa napakahigpit na Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) health protocol paalis ng Amerika at papasok sa Pilipinas. Dagdag pa ang mabilis kumalat at makahawang bagong variant ng pandemya kaya maraming bansa na ang bansa para pumarito.

 

Kaya nag-iisang babaeng pumasok nitong Biyernes, Enero 15 sa ‘Calambubble’ si Jamie Christine Lim para sa nabanggit na sport ‘binyagan’ sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset sa parating na Hulyo.

 

Kasama ng 30th Southeast Asian Games PH 2029 gold medalist karateka ang kapwa World Olympic Qualifying Tournament (WOQT) hopefuls sa Paris, France sa Hunyo 11-13 na sina Sharief Afif, Ivan Agustin, Alwyn Batican, Jayson Ramil Macaalay at Norman Montalvo.

 

Sa Europe naman patuloy na nagti-training camp si Fil-Japanese  Junna Tsukii. (REC)

Other News
  • Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

    Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.     Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]

  • NCR ‘Plus,’ inilagay na sa MECQ mula April 12 hanggang April 30, 2021

    Matapos ang dalawang linggong pagbalik sa enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang lugar sa bansa, ibinaba na muli ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR (National Capital Region) at apat na karatig probinsya.     Sa anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Linggo ng hapon, epektibo ang MECQ sa tinaguriang NCR […]

  • Vendor na bagong laya, itinumba

    TODAS ang isang 54-anyos na vendor na kalalabas lamang umano kamakailan sa kulungan matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktima na nakilalang si Rogelio Esguerra, binata, ng 7041 Maligaya […]