• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakatipid ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccine- Galvez

NAKATIPID ang pamahalaan ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ipinagmalaki ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatipid ang gobyerno sa pagbili ng bakuna dahil sa maayos na negosasyon ng pamahalaan.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte , Lunes ng gabi ay sinabi ni Galvez na nakatipid ang pamahalaan ng $700 million sa vaccine deals kung saan ay naibaba nila ng kalahati ang alok na presyo para sa bakuna.

“Noong kinompute ko po lahat ng mga brand, lumalabas po na naka-save po tayo ng $700 million. Meaning, ‘yong kanyang offer price naibaba po natin ng halos kalahati kaya po ang nangyari po ‘yong dati po, ‘yong plano po namin ni Secretary Duque na 70 million doses, umabot po ng 148 million doses,” ayon kay Galvez.

“Doon po napakita na maganda po ang presyo natin na nakuha. Halos lahat po ng prices, advantage po tayo,” dagdag na pahayag nito.

Giit ni Galez, malinis ang COVID-19 vaccine purchase deals dahil mahigpit nilang sinunod ang stringent measures.

Binigyang diin nito na hindi niya hinawakan ang anumang pondo na may kinalaman sa negosasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

“‘Yong deal po natin talaga pong sinasabi po natin sa ating mga tao, sa ating mamamayan na malinis po ‘yong deal natin at tsaka… wala po akong hawak na pera,” ang pahayag ni Galvez.

“Wala po tayong hinahawakan na pera. Ang pera ang magbabayad, bangko. Alam po natin na ang transaction ng bangko ay malinis po ‘yan. Hindi po tayo magkakaroon ng tinatawag nating corruption because of the World Bank integrity at tsaka po ‘yong Asian Development Bank,”aniya pa rin.

Aniya pa, kinumbinsi ng World Health Organization ang mga vaccine manufacturers na gawing available ang mga bakuna ng walang tubo.

Pumayag naman aniya ang mga pharmaceutical firms sa “no profit, no loss principle.”

“Yong ginawa po nating negosasyon, napaka-deliberate po at tsaka maganda po talaga. In fact, mapapangako ko po sa ating mahal na kababayan na ang lahat ng mga negosasyon at cost. Meaning, almost no profit,” ani Galvez.

Sa kabilang dako, sa gitna nang pag-aalinlangan sa halaga ng Sinovac COVID-19 vaccine, sinabi ni Galvez na ang presyo nito ay hindinalalayo sa presyo na ibinigay sa ibang bansa.

Ang paliwanag ni Galvez na ang Thailand ay maaaring nakakha ng “cheaper price” para sa Sinovac COVID-19 vaccine dahil maaaring mayroon na itong filling station para sa mga bakuna.

Aniya, ang pagkakaroon ng filling station ay nangangahulugan na ang manufacturer ay magdadala na lamang ng raw materials at ang bakuna ay kaagadd na ilalagay na kumpleto sa filling station.

“May capability po sila (Thailand) ng manufacturing po doon. Most likely, ‘yong kanilang arrangement is may filling station kaya nakamura po sila,” ani Galvez.

Sinabi pa ni Galvez na ang bakuna ay maaaring bilhin ng murang halaga kung ang pamahalaan ang siyang mismong hahawak ng freight at kukuha ng bakuna mula sa manufacturer. (Daris Jose)

Other News
  • Federer tatapusin muna ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak sa Olympics

    Tatapusin muna ni Swiss tennis star Roger Federer ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak ito sa Tokyo Olympics.     Sinabi nito na titignan niya muna ang kaniyang laro sa Wimbledon dahil kung hindi naging maganda ang kaniyang performance ay hindi na siya sasabak sa Olympics.   Mag-uusap muna sila ng kaniyang koponan para sa […]

  • Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China

    NAG-commit ang isang  Chinese construction firm ng mas maraming  investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng  public-private partnership (PPP).     Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan.     Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes,  ipinanukala ng China […]

  • MAINE, JUDY ANN at RYAN, bakunado na rin at hinihikayat ang netizens; ‘wag ding maniwala sa sabi-sabi

    SUNUD-SUNOD na ang mga celebrities, na pasok sa A4 category ang media at entertainment industry, na nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at kabilang na nga ang Eat Bulaga dabarkads na si Maine Mendoza.     Sa kanyang Instagram post, makikita ang photos na pagpaturok ng bakuna na pinusuan naman ng netizens.     Caption ng tv […]