• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang ipagpaliban ang SSS contribution hike

Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa SSS Contribution ngayong 2021.

 

Ginawang working bill ng naturang komite ang House Bill No. 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco para sa gagawing substitute bill matapos isama rito ang iba pang mga kahalintulad na panukala.

 

Inaamiyendahan ng panukala ni Velasco ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.

 

Nakasaad sa batas na ito ang tataas ngayong 2021 sa 13 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ang hatiaanng employer at empleyado sa SSS contribution.

 

Ginagawaran din ng panukalang ito nang kapangyarihan si Panguong Rodrigo Duterte na suspendihin ang nakatakdang SSS contribution hike.

 

Ito ay kasunod nang gagawing konsultasyon sa kalihim ng Department of Finance, na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.

 

Ang deferment na ito sa SSS contribution ay maari lamang ikonsidera sa panahon nang national emergency, katulad na lamang ng COVID-19 pandemic.

Other News
  • Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH

    ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may iba­yong pag-iingat sa kanilang kalusugan.     Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 […]

  • MECQ puwede na sa NCR

    Kung ang medical adviser ng National Task Force against COVID-19 ang masusunod, puwede ng ibaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region na ngayon ay nasa pinakamahigpit na ECQ.     “Kung opinion ko lang ang masusunod, kung ako ang namumuno sa IATF, bababa ako sa MECQ at paiigtingin ko iyong mga […]

  • Dalang shabu ng kargador, buking

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng […]