• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bebot arestado sa shabu sa Caloocan at Navotas

Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities.

 

Kinilala ni DDEU chief P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang suspek na si Jeremiah Dimia, 33 ng 122 Guido 2 St. Maypajo Brgy. 33, Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Jezell Delos Santos, dakong 6:30 kahapon ng umaga nang mahulihan ni PSSg Ronel Tamayo ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu si Dimia sa loob mismo ng DDEU office sa Langaray St. Kaunlaran Village, Brgy. 14.

 

Sa Navotas, dakong 12:30 naman ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni PLT Juanito Arabejo Jr. na nagsasagawa ng patrolya at nagpapatupad ng city ordinance sa kahabaan ng Baron St. Brgy. NBBN si Edna Serrador, 54 ng Old Fishport.

 

Narekober ng mga pulis kay Serrador ang nasa 7.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P50,320.00 ang halaga.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • DATING PULIS, INARESTO NG NBI

    ISANG  dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera  gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan.   Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation.   Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan […]

  • Tanong ng netizen, ‘Bahay nyo ni Belle?’: DONNY, nagpapatayo na ng ‘dream house’ sa edad na 24

    SA Instagram post ni Donny Pangilinan, flinex niya ang pinatatayong dream house na may caption na, “Almost there!! 🙏🏼🏠 #casadonato.”     Nakatutuwa at sobrang nakaka-inspire na sa edad niyang 24 at nagpapatayo na siya ng sariling bahay.     Bakit nga ba hindi, maituturing nga na si Donny at ka-loveteam na Belle Mariano na […]

  • Bagong features ng peso bills, mahirap mapeke at madaling mapag-aralan ng mga visually impared – BSP

    Naipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang enhanced features ng peso bills , na inilunsad noong Hulyo 30.   Ayun kay BSP Legazpi bank officer Sharon Moyano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ginawa ang hakbang para maprotektahan ang integridad ng banknotes at maiwasan ang pamemeke ng Philippine peso.   Maaalala kasi na […]