• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong features ng peso bills, mahirap mapeke at madaling mapag-aralan ng mga visually impared – BSP

Naipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang enhanced features ng peso bills , na inilunsad noong Hulyo 30.

 

Ayun kay BSP Legazpi bank officer Sharon Moyano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ginawa ang hakbang para maprotektahan ang integridad ng banknotes at maiwasan ang pamemeke ng Philippine peso.

 

Maaalala kasi na sa mga nakalipas na mga taon, talamak ang pamemeke ng pera sa bansa.

 

Dagdag pa ng opisyal na layunin rin nito na mas maging madali ang pagtukoy ng pera para sa mga senior citizen at mga visually impared na kalimitang naloloko at nalilito sa mga banknotes.

 

Napag-alaman na sa bagong labas na disenyo, may naka-angat na marka sa kanang bahagi ng peso bill, kung saan dalawa ang linya para sa P50, apat na linya sa P100 bill, anim sa P200, walo sa P500 at limang linya sa P1000 bill.

Other News
  • OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas

    OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng […]

  • Presyo ng petrolyo, muling tumaas

    May panibagong dagdag presyo ang mga produktong petrolyo na ipatutupad ngayong Martes ng mga kompanya ng langis sa bansa.     Unang magpapatupad ng dagdag na P1.20 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P1.00 sa kerosene ang Chevron Corporation sa pagdating ng alas-12:01 ng madaling araw.     Susundan ito simula alas-6:00 […]

  • Ads September 16, 2022