• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz pormalidad na lang ng pagpasok sa Tokyo Games

KABILANG sa top eight sa International Weightlifting Federation (IWF) world ranking sa women’s 55-kilogram event ang mga magku-qualify para  sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.

 

At sa pag-okupa sa No. 2 sa kasalukuyan, halos pasok na rin ang 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City na dalagang barbelistang si Hidilyn Diaz.

 

Kailangan na lang niyang sumalang sa Olympic Qualifying Tournament liftest sa darating na Abril 15-25 sa Tashkent, UIzbekistan sa April 15-25 para mapormalisa ang pang-entra niya sa ikaapat na sunod niyang na quadrennial sportsfest na noong isang taon pa niya inaasam.

 

Pero nabatid kahapon kay Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) president Monico Puentevella, na hindi lang sa Diaz ang ipapadala sa Tashkent kundi ang iba pang nasa national training team. (REC)

Other News
  • Pagkamatay ni ex-BuCor deputy officer Ricardo Zulueta, walang foul play – PNP

    Walang umanong foul play sa biglaang pagkasawi ni dating Bureau of Corrections deputy officer Ricardo Zulueta ayon sa Philippine National Police. Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Fajardo sa gitna ng pagdududa ng ilan sa naging pagkamatay ni Zulueta na kapwa akusado ni dating BuCor director Gerald Bantag sa kasong pamamaslang […]

  • Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

    PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.     Bago pa ang […]

  • DBM, aprubado ang pagbili ng DOH ng 173 medical vehicles

    PINAGKALOOBAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) ng P454 milyon para sa pagbili ng 173 medical vehicles.   Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Oktubre 17 ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) para sa DOH.   Sinabi ng DBM na pinahihintulutan ng APMV […]