PhilHealth, sasagutin ang Covid-19 testing costs–Nograles
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
SASAGUTIN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang testing costs ng isang indibidwal na nais na magpagamot matapos na ma-infect ng coronavirus disease (Covid-19).
Ito’y upang hindi na mag-alala ang publiko sa magiging gastos kapag nagpagamot dahil sa Covid-19.
Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang Covid-19 tests sa mga ospital ay covered ng Philhealth.
“The President recognizes that everyone in the country is concerned about Covid-19 and the threat this poses to the health and lives of our loved ones, especially vulnerable individuals like senior citizens,” ayon kay Nograles, miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
“Given this, the last thing we want is for our citizens to worry about medical costs and expenses. Their only concern should be their well-being and the well-being of their families,” aniya pa rin.
Ibinahagi rin ni CabSec Nograles na ipinaalam na sa kanya ni President at CEO Ricardo Morales na ang nasabing ahensiya ay nasa proseso ngayon ng “formalizing and operationalizing” ng bagong benepisyo.
Idagdag pa rito na ginagawa lahat ng pamahalaan ang makakaya nito upang matiyak na may sapat na bilang ng testing kits para sa mas mabilis na pag- identify at pag- isolate ng mga infected ng Covid-19.
“We are fast-tracking the deployment of these kits so these can be used at the soonest possible time. Per Dr. Destura of Manila Healthtek, the rapid diagnostic test kit for Covid-19 is set for field validation study, and that UP PGH and the National Institute for Health have agreed to support the study,” ayon kay CabSec Nograles sabay sabing “At this point, they just need to conduct validation of 500 tests for Covid-19 to enable them to conduct clinical sensitivity analysis as a pre-condition set by the FDA. Once it passes the clinical tests, the FDA will grant full access by all hospitals, as guided by the DOH.”
Sinabi pa nito na mayroon ding private hospitals ang nagpahiwatig nang hangarin na makisali sa field validation at ang NIH ay umaasa naman na makakuha ng pagsang-ayon ng ethics committee for field validation testing sa darating na Biyernes, Marso 13. (Daris Jose)
-
Gamot para sa cancer, diabetes, at mental health, aalisin na ang buwis —FDA
INANUNSYO ng Food and Drugs Administration (FDA) ang abot kaya ng mga gamot para sa cancer, diabetes at mental health kung saan aalisin na ang buwis ng mga ito. Batay sa Republic Act No. 11534 ng section 12 na kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, kung saan […]
-
GERALD, pinalabas na dehado at kawawa sa paghihiwalay nila ni BEA; nakatikim ng matatalim na mensahe
MARAMING netizens ang ‘di natuwa kay Gerald Anderson at sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Julia Barretto. Ano raw ba ang dahilan kung bakit ngayon lang siya umamin, eh marami na raw ang nakakaalam sa tinatago nilang relasyon. Hindi rin daw nagustuhan ng marami ang pagpe-playing victim ni Gerald dahil […]
-
Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF
MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan. Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa ng iba’t ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus. Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang […]