BIR, umapela sa lahat ng taxpayers na magbayad ng 2019 ITR
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang Bureau of Internal Revenue (BIR sa lahat ng taxpayers na maghain at magbayad ng kanillang 2019 Income Tax Returns (ITR) bago ang Abril 15, 2020.
Sa economic briefing sa New Executive Building (NEB) ay sinabi ng BIR na ito’y isang friendly reminder sa lahat ng taxpayers para makaiwas sa rush at online traffic sa paghahain ng kanilang tax returns at paghahain ng kanilang income taxes sa Abril 15, 2020.
Kaugnay nito ay mabibigyan ng patas na oportunidad ang mga taxpayers na hindi makapagbayad ng penalty sa late filing kung saan idaragdag sa kanilang buwis ang ipapataw na 25% surcharges, 12% interests at compromise penalty (graduated).
Ang mga taxpayers ay maaaring bumisita sa BIR website na www.bir.gov.ph at maaaring i-download ang Offline eBIRForms Package Versio 7.6 para sa paghahain ng kanilang Annual Income Tax Returns (AITR).
Ang package na ito ay home-base application na nagbibigay ng convenience sa mga taxpayers at tiyakin na tama ang computation ng tax dues.
Ang pagbabayad ng tax due ay pinamadali sa pamamagitan ng ePayment channel partners ng BIR gaya ng PayMaya, GCash, LBP LinkBiz ATM/ Debit Cards, DBP Tax Online Credit/ ATM Debit Cards o EFPS para sa eFPS filers.
Ang manual payment naman ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AABs) o Revenue Collection Officers (RCOs) kung saan ay walang AABs na matatagpuan sa RDOs kung saan nakarehistro ang isang taxpayer.
Samantala, simula sa Marso 29, araw ng Sabado ay may itatayo ng Tax Filing Assistance Center sa lahat ng BIR Revenue District Offices (RDOs) upang tulungan ang lahat ng mga taxpayers sa electronic filing at payment inquiries at concerns. Ang eLounges sa lahat ng RDOs ay available para sa mga online filers.
Sa kabilang dako, ang National Training Center na matatagpuan sa BIR National Office, BIR Road, Diliman Quezon City ay bukas mula Marso 28 hanggang Abril 15, 2020 kabilang na ang dalawang magkasunod na Sabado, Marso 28 at abril 4 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para sa mga taxpayers na nakarehistro sa Revenue Region 5-Caloocan City, Revenue Region 6- City of Manila, Revenue Region 7A-Quezon City, Revenue Region 7B-East NCR, Revenue Region 8A- Makati City at Revenue Region 8B-South NCR.
Ang Authorized Agent Banks (AABs) banking hours ay extended ng hanggang alas-5 ng hapon para sa Abril 1 hanggang 15, 2020 alinsunod na rin sa Tax Filing Season.
Bukas din ito sa magkasunod na Sabado para tanggapin ang tax payments sa lugar na kanilang hurisdiksyon.
-
Sumisipsip daw kay Coco para mapasama sa ‘BQ’: SHARON, napikon at ‘di pinalampas ang akusasyon ng basher
MASAYANG nag-post sa kanyang Instagram si Megastar Sharon Cuneta tungkol kina Coco Martin at Julia Montes: “Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! Happy si Mommy ‘mysha’ @monteskjulia08 @cocomartin_ph “P.S. I become close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’S Ang Probinsyano towards the end of 2021. “Whatever they may have gone […]
-
COMMUNITY QUARANTINE IPATUTUPAD SA BUONG METRO MANILA
INIANUNSYO kagabi , Marso 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa COVID-19. Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang, inaprubahan at binasa ng Pangulo ang reso-lusyon na community quarantine […]
-
Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC
INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon. Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3. “Kami ni AC, we’ve been together for eight years […]